Saturday, August 8, 2009

Bakit Pilosopiyang Pinoy

Ang pundasyon ng alinmang bansa
ay nag-uugat sa wasto o akmang edukasyon..
pero nakakadismaya, na ang edukasyon
ng ng mahal kong Pilipinas ay hindi angkop
sa pangangailangan nito, kaya naman
hindi natutugunan ang tunay at totoong
pag-unlad na minimithi ng mga kalahi
ni Juan De La Cruz...

Napakarami ng ating mga mahuhusay
propesyunal/dalubhasa sa ibat-ibang larangan
na produkto ng ating sablay na edukasyon..
(dahil kong angkop/tama ang edukasyon ng bansa
may nagagawa o naiaambag sana na mga akmang
ideya ang ating mga 'edukadong' mamamayan)
kanya naman hindi nakapagtataka
kumbakit tila usad pagong ang tunay
na kaunlaran, at nasasayang lamang
ang yaman tao(human resources) natin
na karamihan nga sa mga mahuhusay na Pinoy
ay nangingibang Bansa sa kakulangan nga
ng mga uportunidad sa sariling Bansa..

Mahuhusay magsalita sa salitang dayuhan
ngunit sa sariling wika tila nahihirapan..
Imbes na linangin ang sariling wika
nauuna palagi pagpapahalaga sa wikang dayuhan

Napakahalaga na magkaroon ang Pinoy
ng sariling pananaliksik(research)
sariling pag-aaral,paglinang ng sariling
karunungan upang magkaroon ng sarili at
independenteng kaisipan ng sa ganoon
ay makahulagpos sa mga turo/aral ng mga
dayuhan na mapanikil at puno ng pangguguyo
na nagiging sanhi ng kahinaan ng madlang pipol..

At kaya naman may mahina tayong Gobyerno
ay sa kadahilanan nga na karamihan (majority)
sa Pinoy ay mahina
na kung saan bumabalik nga ito sa kahinaan ng
ating edukasyon o pilosopiya ng Bansa.

http://www.skyscrapercity.com/showthread.php?t=525790&page=31

Philosophy of Education: Famous Philosopher's Quotes on Educational Philosophy, Teaching Philosophy Truth Reality

Philosophy of Education: Famous Philosopher's Quotes on Educational Philosophy, Teaching Philosophy Truth Reality: "http://www.spaceandmotion.com/Philosophy-Education.htm"

"Philosophy is the art which teaches us how to live, & since children need to learn it as much as we do, why do we not instruct them in it?"

Geoff Haselhurst

Tuesday, June 2, 2009

Buhay Pinoy at Kahirapan

Sinasabi na ang Pinoy daw ay isa sa pinakamasayahin na tao
sa mundo. Palatawa,palangiti, at maski nga daw gabundok ang
problema ay dinadaan na lamang sa mga gawaing kasiya-siya o
nakakatawa.

Sinasabi rin na mahirap ang kabuhayan ng karamihan sa Pilipino..
naghihikahos, mga maralita, mga dukha, mga eskuwater sa sariling Bayan.

Pero kung madalas tayo napapasyal sa mga 'Mega Malls',minsan
maiisip natin kong naghihirap nga ba ang mga Pilipino?
Dahil kong ang mga naglalakihang mga pamilihan ang sukatan
ng kabuhayan ng bansa, tiyak masasabi nating hindi naghihirap
o naghihikahos ang bansa..
Ngunit ang tanong kong anong uri ng pamumuhay ba ang kumukopkop
sa mga naglalakihang pamilihang ito--dito kaya namimili
ang mga pangkaraniwang manggagawa ng bansa o baka naman nagiging
pasyalan lamang ng mga pangkaraniwan o ng masa na masasabi.
Sa tingin ko ang mga suki talaga o mamimili dito ay karamihan mga
kaanak ng mga OFW o kung hindi man ay ang mga Kuratong
O mga manggagawa o opisyal ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan..
Dahil kong tutuusin, ang mga pangkaraniwang manggagawa sa Metro Manila halimbawa ay wala halos kakayahang mamili sa mga mamahaling paninda sa mga 'Malls' na ito
kung pagbabasehan lamang ang regular na kita(sahod) ng mga ito.
Kaya maaaring sabihin na ang bumubuhay at nagpapalago sa malalaking kalakal
o negosyo ng bansa ay ang dalawang(2) uri ng mamamayan sa estado ng kabuhayan:

1.) Kaanak ng mga OFW
2.) Kaanak ng mga Kagawad o opisyal ng Pamahalaan
(ang may mga sideline ika nga)

Mayroon din naman tayong masasabing mga negosyanteng Pinoy
(mga self employed), mga nagtagumpay sa larangan ng negosyo.
Ngunit maaaring wala pa siguro 30% ng populasyon ng bansa,
at karamihan sa mga ito, palibhasa nga mga negosyante, marurunong
sa pananalapi o paggasta ang mga ito--kaya hindi ito
maasahan na maging suki sa mga naglalakihan na mga pamilihan
o mga kalakal na hindi naman gasinong kailangan ng tao.

Iilan lang naman ang mga mayayamang Pinoy, Tsinoy, o Kastilaloy man
na tumatangkilik sa mga 'Malls' na ito.. ang tinutukoy nating mayaman
ay yaong milyonaryo't bilyonaryo na mga Pinoy,Tsinoy atpb.


Kaya't kong magiging basehan nga ang 2 nabanggit na mga suki
sa mga 'Malls' o mga kalakal na hindi nahahanay sa consumer goods.
Masasabi nating ang kalagayang pangkabuhayan o ekonomiya ng bansa
ay huwad na ekonomiya o mahina dahil sa ang pinagkukunan ay nanggagaling sa labas at ang nanggaling naman sa loob (Gov't. Staff) ay salapi
na walang produkto(hindi kagaya kong nanggagaling ito sa
mga manggagawa sa mga Pabrika (Manufacturing)

At dito nakikita natin ang labis na kahinaan ng mga programa
at kawalan ng mga pamamaraan na epektibo ang Gobyerno..
Na labis umaasa sa mga nahahakot na salapi(dayuhang salapi) ng mga OFW
na siya ngang nagbibigay tulong sa karagdagang pag-ahon ng ekonomiya ng bansa.

Ang kahirapan ng bansa ay ang kakulangan ng mga patrabaho o opurtunidad
at kong mayroon mang patrabaho, kakulangan naman ng sapat na pasahod..

Ang tanong ay kung BAKIT nangyayari ang ganito sa ating mahal na Bayan?

ANG LAKAS NG SALAPI AY NASA PRODUKTO NG SALAPI..

ano ano ba ang mga produkto ng ating salapi?

Mayroon ba tayong mga sariling makinarya't sopistikadong
kagamitan?
KAPAG ANG ISANG BANSA MAY SARILING MGA MAKINARYA AT
SOPISTIKADONG MGA KAGAMITAN! tnitiyak ko, makapangyarihan
ang bansang ito..may matatag na ekonomiya..

Walang pinag-iba yan sa indibiduwal na tao--kapag nagsasarili ka (independent)
matatag hindi ka basta-basta matitinag..kabaliktaran kapag ang isang tao
ay palaasa at palagiang nanghihingi ng tulong sa iba.
Ganun din naman ang isang bansa, kapag ito ay palaasa at palagiang
humihingi ng tulong sa ibang bansa... alam na natin ang kinahihinatnan.

Matagal-tagal na ring naging independente(kuno) ang bansa, ngunit magpahangga
ngayon tila mandin natutulog sa pansitan ang mga maykapangyarihan
na siyang may kakayahang isakatuparan at pahalagahan ang kapakanan
ng nakararaming Pilipino...

Sa ganang akin, labis na nagiging mailap ang tunay na kalayaan, kalayaan
sa kahirapan, kahinaan at kamangmangan..
Dahil sa sablay na edukasyon ng bansa..
Kawalan ng angkop na karunungan..
Kawalan ng PILOSOPIYA.

Wednesday, May 13, 2009

Ang Tatlo (Trinidad)

Marahil, kung makapagsasalita lamang ang Diyos na inyong hinahanap, maaari ito ang kanyang sabihin ng pasigaw !!!

Huwag na ninyo ako hanapin mga anak...

Huwag 'nyo na pililiting arukin kung nasaan ako...

Huwag 'nyo na rin itanong kung Bakit? kung Ano? Kung Paano?

...dahil ako ay lagi ninyong kasama, katuwang, kaagapay sa buhay at kamatayan !!!

Akooo... Ang Hangin -- na nagbibigay hininga

Akooo... Ang Tubig -- na pamatid uhaw at palagi 'nyo rin kasama

Akooo... Ang Apoy -- na walang sawang nagbibigay ng liwanag, lakas at init na lubhang kailangan ng bawat nilalang...

Ako ang Diyos !

Ang palagi na inyong pinagtatalunan, na hindi maunawaan at maaruk. Samantala lagi 'nyo ako nakikita at kasama sa inyong araw-araw na buhay...

...at walang pagsasawa na nagbibigay palagi ng panibagong pag-asa, sa walang katapusang pagbibigay buhay at kamatayan upang sa muli ay isilang at isilang at isilang na magmuli sa walang katapusang pabalik-balik na buhay at kamatayan.



Mapalad ang isang nilalang na nabibiyayaan at nabibigyan ng pagkakataong mabuhay bilang isang tao... sapagkat nasa tao ang kakayahan ng pagtuklas at kakayahang makarating sa dako pa roon.. sa ibayo at ibang antas sa mga lihim at hiwaga ng buhay na walang katapusan...

_____

PS

--- sa mga bumabalik naman sa buhay hayup, insekto at iba pa na mababang uri na nilalang...maaari, kapag namuhay ng ugali, asal at gawaing hayup -- kahayupan ang hihigop ayon sa batas ng kalikasan...

Kuro-kuro't kathang-isip lamang ng Pamimilosopo!

btw, Re-post ko lang ito sa forum ng TDP http://www.thedigitalpinoy.org/thread/10/775/108

Monday, February 23, 2009

Pagbibigay Daan

Sa kagagala at kahahanap ng mga Pinoy Blogspot sa 'net, may natagpuan ako na maituturing ko na sadyang napapanahon at kapakipakinabang sa pagsisikap at pagpupunyagi ng buhay Pinoy...

...kaya bago paman kong ano-ano ang isulat ko dito sa Blog ko, mas nakabubuti marahil na bigyan daan ang website sa ibaba:

http://www.masaganang-pinoy.com/index.html

Napakasimple ang pagkakagawa, ni hindi nagpakilala ang may-akda!

Mabuhay ang Pilipino!

Thursday, February 19, 2009

Malayo man ang umaga...

Sa isang 'forum' natagpuan ko ang paksa na may pamagat din na pilosopong pinoy ... at doon malinaw na tila parang mga tupang ligaw ang ating mga kababayan sa pag-apuhap sa totoong kahulugan at kong sino-sino ang mga itinuturing na pilosopong Pilipino...

Kaya naman ang nai-post ko doon ay ibig kong ire-post dito...sadya nga namang mahirap unawain o intindihin ang kahalagahan ng pilosopiya kong deretsahan nating basta na lamang pag-uusapan..

Sa ibaba ay hango sa thread ng 'forum' na--

BOBONGPINOY.COM

syiempre upang masagot ang tanong,kailangan din naman maging malinaw ang tanong??? sini-sino daw ba ang mga pilosopong pilipino? natural mente,upang masagot yan alamin muna natin kong ano ba ang tinatawag na pilosopo o pilosopiya. Dahil karamihan sa pinoy ang salitang pilosopo ay may kakaibang pagkakaunawa...

Bueno para maiwasan mahabang'wento, subukan nating sagutin ng hinay-hinay..at simple pinoy stayl...

Una, isalin natin sa totoong wikang pilipino ang pilosopo o pilosopiya...pilosopo--sa wikang pinoy,mangangaral,likas na tagapagturo,mahilig magpaliwanag ng samut-saring paksa sa matuwid na pangangatwiran.

pilosopiya--pananaw o pag-aaral sa mga kadahilanan ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng matuwid na pangangatwiran.Lahat ng aralin saklaw yan ng pilosopiya,walang kinikilingan,tinitimbang palagi sa wastong pag-iisip(logic) at tamang gawain(ethics).

Kaya kong bagbabasehan ang mga nasabi ko sa taas ukol sa pilosopo...tiyak marami tayong kilala na hindi lamang kinilala bilang mga pilosopo na pilipino...

Si jose Rizal,na may-akda ng 2 kilalang aklat ay naglalayon na maturuan at mamulat ang pilipino sa kalagayan ng bansa noong kanyang panahon...at magpahangga ngayon ay napapanahon pa nga kong nabibigyan lamang ng sapat na pansin.

Oo, Apolonario Mabini at marami pang iba..

Sa ganang akin itinuturing ko rin mga pilosopo sina Renato Constantino, Claro Mayo Recto...na dapat ang mga itinuturo ng mga ito ay pinag-aaralan sa ating mga paaralan...

..at lahat ng blogger na mahilig magbahagi ng kanikaniyang kaalaman gaano man ito kaliit,pangkaraniwan man o anupaman ay maituturing na pilosopo o namimilosopo...

Maloooom!!!!(arabic)



...natagpuan ko ang 'forum' na ito 'by accident' ka ba-'browse' sa internet ukol sa pilosopiyang pilipino

Wednesday, February 18, 2009

Namimilosopo kaba?


Gusto ko magsulat ng magsulat,kaya lang 'pag naka-open na
notepad,minsan halos nagsasabaysabay na sa isipan ko mga
gusto ko isulat o sabihin, dagdag pa ang kakulangan at limitadong
'access' sa internet,at syempre hanapbuhay muna...madalas
sa 'field' ang trabaho__negative 'net access ika
nga....parang "excuses" ah!!!

Ganunpaman, natutuwa rin ako na kahit papano may
nakakapuna rin sa hamak na blog ko...hehehe...marahil ang
ibang napapadaan eh napapangiti o napapangiwi kong ano nga
ba at bakit Pilosopong Pinoy ang paksa ng blogspot na
ito!!!

Gaya nga sa naging komento sa pangalang nagkukubli sa
katawagang "the scribbler", si rank3: 'I keep hearing
philosophy from you, ika nya...' ...maganda rin
naman,maski sa aking pananaw ay hindi pa nito gaaanong
nauunawaan ang usaping 'pilosopiya', kahit papano
nagsagawa siya ng pananaliksik (research) kaugnay sa paksa
o usapin.

Marahil kong tayo ay mapag-obserba lamang mapapansin natin
na ang salitang pilosopo ay madalas ginagamit o binibigkas
ng pinoy tuwing ito ay naiiinis o d' kaya ito ay may
kimkim na galit sa kausap,sa kausap na may balagbag na
sagot o pangangatwiran...madalas marinig ang ganito:
pilosopo ka naman eh!! namimilosopo ka na naman!!! mahirap
kausap ang taong yon, pilosopo kasi!!!walang kwenta,
pilosopo!!! ...na ang ibig talagang sabihin ng mga ito
(namimilosopo) na baluktot ang pangangatwiran. Maski na
ang ating mga itinuturing na mga 'edukado', nakapagtapos
ng mataaas na pag-aaral, ay mariringgan din natin ng
ganitong mga kataga...hindi rin naman nakapagtataka dahil
nga sa kakulangan ng pagpapahalaga nito (philosophy) sa
edukasyon ng 'Pinoylandia'..hehehe

...Ito ang nagbunsod kay awtomatik,maski sa papano o
maliit na paraan ay mamulat ang Pinoy sa maling nakagisnan
0 nakagawian na paniniwala, at paggamit sa katagang
PILOSOPO !!! at higit pa riyan, sadyang napakahalaga ng
araling pilosopiya...hanggat ang edukasyon o pilosopiya ng
bansa ay gahul at buhol-buhol...tiyak na patuloy din ang
gahul at buhol-buhol na ekonomiya(pangkabuhayan), at
politika(pang-kapangyarihan) ng bansa... kahit saan
silipin: sa wastong edukasyon, sa akmang pilosopiya...dito
nakasalalay ang haligi at pundasyon ng pagsulong ng
alinmang bansa o lahi!!!

Blog Archive

About Me

My Photo
Awtomatik
Fallujah, Al Anbar, Iraq
View my complete profile