Maiba naman tayo ng konti medyo kuwento tayo ng samut sari.
Umpisahan natin dito sa hinahangaan ng buong Asya maging ng buong mundo. Si Jack Ma na kailan lang naging panauhin pandangal ni Pdutz sa Palasyo. Makulay ang kwento ng buhay nito matatawag na 'from rags to riches, dati english school teacher siya at noong kbataan nya nakahiligan mag-tour guide sa mga dayuhan sa lugar nila sa China. Siya lang naman ang Founder ng alibaba.com isa na sa higanteng B2B online business platform sa buong mundo. Hindi nman daw siya mahusay sa computer o IT ngunit nagkahilig nagkainteres sa kapangyarihan ng internet na kung saan nagkaroon siya ng 'vision ng pangangailangan at kapangyarihan ng internat na makakatulong sa napakaraming pabrika mga pagawaan sa China. Nagmulat ng ideya sa kanya ay ang matagumpay na 'ebay na nakapasok na rin noon sa merkado onlineBiz sa China. Kaya ngayon kung ibig mo mag-angkat ng conte-container (wholesale) na mga 'goods from China hindi mo na klangan magpunta ng Tsina. Sa online lamang sa pamamagitan ng alibaba.com maaari kana makipagTransaksiyon humingi ng sample at mag-order for shipment anywhere wherever part of the world you are' sa mga malalaking suppliers o mga pabrika mismo sa China na kasapi sa alibaba.com.. At kung retailer ka naman o pansariling gamit lang kailangan mo mabili direkta sa China, sa sister company nman nila yun aliexpress buong mundo rin yan nakakapag deliver ng mga goods from China. Meron pa isang kilala din yun Taobao kaya lang chinese site ito 'under alibaba.com din ni Jack Ma. Kung hindi ka marunong written chinese dahil parang exclusive for China customers nila ito kaya lang mayroon din nasa ibang bansa nagka-interes mg-online shopping sa Taobao kasi nga mga bagsak presyo ang mga produkto na offers. Kaya makakabili ka din dito maski nasa ibang bansa sa pamagitan mga ahente sa online din na may mga websites nag-offer services kung saan sila na mag-asikaso sa pag-order payment at shipping kahit saan lupalop kapa sa mundo. Isa pa din subsidiary ng alibaba.com ay ang alipay na may malaking porsiyento na ata ng Singapore based Lazada online platform ay nabili na nito(kasama na lazadaph). Kayat sa dami ng internet base businesses nito na tumatakbo na sa ngayon hindi kataka-taka isa na nga siya sa mga bilyonaryo sa bansang Tsina.
Ngayon hindi rin kataka-taka mgkainteres ito sa bayang Magiliw, maski maliit na bansa tayo malaking merkado rin ang Pinas. Malaking populasyon maraming kustomer maraming opurtunidad.
Mapapansin natin karamihan maski mga pangkaraniwang dayuhan lamang ang napunta sa bayan natin karamihan negosyo ang pinapasok hindi ang magTrabaho o mamasukan maski mga Indian national business ang tutumbukin na hanapbuhay.
Ngayon talon tayo sa usaping politikal at pangEkonomiya kalakaran ng bansa. Marami-rami narin naikuwetot naisulat ang makaBayang Barbero minsan paulit-ulit na nga lang dahil kahit saan silipin ulit ulit din at wala nman nababago sa mga kalakaran ng mga namamahala sa ating gobyerno minsan lalo pang lumalala ang kapabayaan pagpapaubaya kung kalakalan at interes ng sambayanan ang pag-uusapan.
Marahil dahil kung bibigyan marubrob na pagsusuri ang kabuhayang sitwasyon kalagayan ng ating mga lider ay malamang mauunawaan natin kung bakit hindi at wala sila totoong malasakit o pagsisikap na baguhin ang kalakaran ng Bayang Hinirang lalo na ang mga beteranong politikat angkan ay paano nga eh mga bilyonaryo din sila na patuloy nakikinabang sa tinatawag na 'status quo' o kasalukuyan kaganapan kalakaran.
Ulit ulitin natin . Hanggat walang pangmatagalan o longTerm na plano ang pamunuan ng PinoyLandia na mangangalaga sa interes ng sambayanan kagaya sa pagkakaroon ng sariling teknolohiyat pagkakaroon ng sariling mga gawa na sopistikadong kagamitan at mga makinarya o programang pangIndustriyalisasyon na maski magpaliPalit ng lider buwan-buwan o taonTaon man ay patuloy na isasakatuparan....asahan mga kababayan ko walang makabuluhang pagbabago ang malalasap ni Juan dela Cruz.
...hanggang sa susunod na mga kuwentong makaBayan ng Barberong gala. ^