Monday, February 23, 2009

Pagbibigay Daan

Sa kagagala at kahahanap ng mga Pinoy Blogspot sa 'net, may natagpuan ako na maituturing ko na sadyang napapanahon at kapakipakinabang sa pagsisikap at pagpupunyagi ng buhay Pinoy...

...kaya bago paman kong ano-ano ang isulat ko dito sa Blog ko, mas nakabubuti marahil na bigyan daan ang website sa ibaba:

http://www.masaganang-pinoy.com/index.html

Napakasimple ang pagkakagawa, ni hindi nagpakilala ang may-akda!

Mabuhay ang Pilipino!

Thursday, February 19, 2009

Malayo man ang umaga...

Sa isang 'forum' natagpuan ko ang paksa na may pamagat din na pilosopong pinoy ... at doon malinaw na tila parang mga tupang ligaw ang ating mga kababayan sa pag-apuhap sa totoong kahulugan at kong sino-sino ang mga itinuturing na pilosopong Pilipino...

Kaya naman ang nai-post ko doon ay ibig kong ire-post dito...sadya nga namang mahirap unawain o intindihin ang kahalagahan ng pilosopiya kong deretsahan nating basta na lamang pag-uusapan..

Sa ibaba ay hango sa thread ng 'forum' na--

BOBONGPINOY.COM

syiempre upang masagot ang tanong,kailangan din naman maging malinaw ang tanong??? sini-sino daw ba ang mga pilosopong pilipino? natural mente,upang masagot yan alamin muna natin kong ano ba ang tinatawag na pilosopo o pilosopiya. Dahil karamihan sa pinoy ang salitang pilosopo ay may kakaibang pagkakaunawa...

Bueno para maiwasan mahabang'wento, subukan nating sagutin ng hinay-hinay..at simple pinoy stayl...

Una, isalin natin sa totoong wikang pilipino ang pilosopo o pilosopiya...pilosopo--sa wikang pinoy,mangangaral,likas na tagapagturo,mahilig magpaliwanag ng samut-saring paksa sa matuwid na pangangatwiran.

pilosopiya--pananaw o pag-aaral sa mga kadahilanan ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng matuwid na pangangatwiran.Lahat ng aralin saklaw yan ng pilosopiya,walang kinikilingan,tinitimbang palagi sa wastong pag-iisip(logic) at tamang gawain(ethics).

Kaya kong bagbabasehan ang mga nasabi ko sa taas ukol sa pilosopo...tiyak marami tayong kilala na hindi lamang kinilala bilang mga pilosopo na pilipino...

Si jose Rizal,na may-akda ng 2 kilalang aklat ay naglalayon na maturuan at mamulat ang pilipino sa kalagayan ng bansa noong kanyang panahon...at magpahangga ngayon ay napapanahon pa nga kong nabibigyan lamang ng sapat na pansin.

Oo, Apolonario Mabini at marami pang iba..

Sa ganang akin itinuturing ko rin mga pilosopo sina Renato Constantino, Claro Mayo Recto...na dapat ang mga itinuturo ng mga ito ay pinag-aaralan sa ating mga paaralan...

..at lahat ng blogger na mahilig magbahagi ng kanikaniyang kaalaman gaano man ito kaliit,pangkaraniwan man o anupaman ay maituturing na pilosopo o namimilosopo...

Maloooom!!!!(arabic)



...natagpuan ko ang 'forum' na ito 'by accident' ka ba-'browse' sa internet ukol sa pilosopiyang pilipino

Wednesday, February 18, 2009

Namimilosopo kaba?


Gusto ko magsulat ng magsulat,kaya lang 'pag naka-open na
notepad,minsan halos nagsasabaysabay na sa isipan ko mga
gusto ko isulat o sabihin, dagdag pa ang kakulangan at limitadong
'access' sa internet,at syempre hanapbuhay muna...madalas
sa 'field' ang trabaho__negative 'net access ika
nga....parang "excuses" ah!!!

Ganunpaman, natutuwa rin ako na kahit papano may
nakakapuna rin sa hamak na blog ko...hehehe...marahil ang
ibang napapadaan eh napapangiti o napapangiwi kong ano nga
ba at bakit Pilosopong Pinoy ang paksa ng blogspot na
ito!!!

Gaya nga sa naging komento sa pangalang nagkukubli sa
katawagang "the scribbler", si rank3: 'I keep hearing
philosophy from you, ika nya...' ...maganda rin
naman,maski sa aking pananaw ay hindi pa nito gaaanong
nauunawaan ang usaping 'pilosopiya', kahit papano
nagsagawa siya ng pananaliksik (research) kaugnay sa paksa
o usapin.

Marahil kong tayo ay mapag-obserba lamang mapapansin natin
na ang salitang pilosopo ay madalas ginagamit o binibigkas
ng pinoy tuwing ito ay naiiinis o d' kaya ito ay may
kimkim na galit sa kausap,sa kausap na may balagbag na
sagot o pangangatwiran...madalas marinig ang ganito:
pilosopo ka naman eh!! namimilosopo ka na naman!!! mahirap
kausap ang taong yon, pilosopo kasi!!!walang kwenta,
pilosopo!!! ...na ang ibig talagang sabihin ng mga ito
(namimilosopo) na baluktot ang pangangatwiran. Maski na
ang ating mga itinuturing na mga 'edukado', nakapagtapos
ng mataaas na pag-aaral, ay mariringgan din natin ng
ganitong mga kataga...hindi rin naman nakapagtataka dahil
nga sa kakulangan ng pagpapahalaga nito (philosophy) sa
edukasyon ng 'Pinoylandia'..hehehe

...Ito ang nagbunsod kay awtomatik,maski sa papano o
maliit na paraan ay mamulat ang Pinoy sa maling nakagisnan
0 nakagawian na paniniwala, at paggamit sa katagang
PILOSOPO !!! at higit pa riyan, sadyang napakahalaga ng
araling pilosopiya...hanggat ang edukasyon o pilosopiya ng
bansa ay gahul at buhol-buhol...tiyak na patuloy din ang
gahul at buhol-buhol na ekonomiya(pangkabuhayan), at
politika(pang-kapangyarihan) ng bansa... kahit saan
silipin: sa wastong edukasyon, sa akmang pilosopiya...dito
nakasalalay ang haligi at pundasyon ng pagsulong ng
alinmang bansa o lahi!!!

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq