Upang mabigyang buhay, ang kahalagahan ng angkop na karunungan sa pagpupunyagi ng lahing Pilipino
Wednesday, February 18, 2009
Namimilosopo kaba?
Gusto ko magsulat ng magsulat,kaya lang 'pag naka-open na
notepad,minsan halos nagsasabaysabay na sa isipan ko mga
gusto ko isulat o sabihin, dagdag pa ang kakulangan at limitadong
'access' sa internet,at syempre hanapbuhay muna...madalas
sa 'field' ang trabaho__negative 'net access ika
nga....parang "excuses" ah!!!
Ganunpaman, natutuwa rin ako na kahit papano may
nakakapuna rin sa hamak na blog ko...hehehe...marahil ang
ibang napapadaan eh napapangiti o napapangiwi kong ano nga
ba at bakit Pilosopong Pinoy ang paksa ng blogspot na
ito!!!
Gaya nga sa naging komento sa pangalang nagkukubli sa
katawagang "the scribbler", si rank3: 'I keep hearing
philosophy from you, ika nya...' ...maganda rin
naman,maski sa aking pananaw ay hindi pa nito gaaanong
nauunawaan ang usaping 'pilosopiya', kahit papano
nagsagawa siya ng pananaliksik (research) kaugnay sa paksa
o usapin.
Marahil kong tayo ay mapag-obserba lamang mapapansin natin
na ang salitang pilosopo ay madalas ginagamit o binibigkas
ng pinoy tuwing ito ay naiiinis o d' kaya ito ay may
kimkim na galit sa kausap,sa kausap na may balagbag na
sagot o pangangatwiran...madalas marinig ang ganito:
pilosopo ka naman eh!! namimilosopo ka na naman!!! mahirap
kausap ang taong yon, pilosopo kasi!!!walang kwenta,
pilosopo!!! ...na ang ibig talagang sabihin ng mga ito
(namimilosopo) na baluktot ang pangangatwiran. Maski na
ang ating mga itinuturing na mga 'edukado', nakapagtapos
ng mataaas na pag-aaral, ay mariringgan din natin ng
ganitong mga kataga...hindi rin naman nakapagtataka dahil
nga sa kakulangan ng pagpapahalaga nito (philosophy) sa
edukasyon ng 'Pinoylandia'..hehehe
...Ito ang nagbunsod kay awtomatik,maski sa papano o
maliit na paraan ay mamulat ang Pinoy sa maling nakagisnan
0 nakagawian na paniniwala, at paggamit sa katagang
PILOSOPO !!! at higit pa riyan, sadyang napakahalaga ng
araling pilosopiya...hanggat ang edukasyon o pilosopiya ng
bansa ay gahul at buhol-buhol...tiyak na patuloy din ang
gahul at buhol-buhol na ekonomiya(pangkabuhayan), at
politika(pang-kapangyarihan) ng bansa... kahit saan
silipin: sa wastong edukasyon, sa akmang pilosopiya...dito
nakasalalay ang haligi at pundasyon ng pagsulong ng
alinmang bansa o lahi!!!
No comments:
Post a Comment