Wednesday, May 13, 2009

Ang Tatlo (Trinidad)

Marahil, kung makapagsasalita lamang ang Diyos na inyong hinahanap, maaari ito ang kanyang sabihin ng pasigaw !!!

Huwag na ninyo ako hanapin mga anak...

Huwag 'nyo na pililiting arukin kung nasaan ako...

Huwag 'nyo na rin itanong kung Bakit? kung Ano? Kung Paano?

...dahil ako ay lagi ninyong kasama, katuwang, kaagapay sa buhay at kamatayan !!!

Akooo... Ang Hangin -- na nagbibigay hininga

Akooo... Ang Tubig -- na pamatid uhaw at palagi 'nyo rin kasama

Akooo... Ang Apoy -- na walang sawang nagbibigay ng liwanag, lakas at init na lubhang kailangan ng bawat nilalang...

Ako ang Diyos !

Ang palagi na inyong pinagtatalunan, na hindi maunawaan at maaruk. Samantala lagi 'nyo ako nakikita at kasama sa inyong araw-araw na buhay...

...at walang pagsasawa na nagbibigay palagi ng panibagong pag-asa, sa walang katapusang pagbibigay buhay at kamatayan upang sa muli ay isilang at isilang at isilang na magmuli sa walang katapusang pabalik-balik na buhay at kamatayan.



Mapalad ang isang nilalang na nabibiyayaan at nabibigyan ng pagkakataong mabuhay bilang isang tao... sapagkat nasa tao ang kakayahan ng pagtuklas at kakayahang makarating sa dako pa roon.. sa ibayo at ibang antas sa mga lihim at hiwaga ng buhay na walang katapusan...

_____

PS

--- sa mga bumabalik naman sa buhay hayup, insekto at iba pa na mababang uri na nilalang...maaari, kapag namuhay ng ugali, asal at gawaing hayup -- kahayupan ang hihigop ayon sa batas ng kalikasan...

Kuro-kuro't kathang-isip lamang ng Pamimilosopo!

btw, Re-post ko lang ito sa forum ng TDP http://www.thedigitalpinoy.org/thread/10/775/108

1 comment:

Awtomatik said...

Sa maaaring mapadaan sa hamak na blogspot kong 'to..

ang post kong ito ay re-post ko lang dito..na-post ko 'to sa sinalihan kong forum The Digital Pinoy forum site: http://www.thedigitalpinoy.org/thread/10/775/108

minsan mas madali mag-wento at makisawsaw sa ibat-ibang Pinoy Forums..kaysa magsulat dito sa sariling blogspot..

hehehe

Post a Comment