Sinasabi na ang Pinoy daw ay isa sa pinakamasayahin na tao
sa mundo. Palatawa,palangiti, at maski nga daw gabundok ang
problema ay dinadaan na lamang sa mga gawaing kasiya-siya o
nakakatawa.
Sinasabi rin na mahirap ang kabuhayan ng karamihan sa Pilipino..
naghihikahos, mga maralita, mga dukha, mga eskuwater sa sariling Bayan.
Pero kung madalas tayo napapasyal sa mga 'Mega Malls',minsan
maiisip natin kong naghihirap nga ba ang mga Pilipino?
Dahil kong ang mga naglalakihang mga pamilihan ang sukatan
ng kabuhayan ng bansa, tiyak masasabi nating hindi naghihirap
o naghihikahos ang bansa..
Ngunit ang tanong kong anong uri ng pamumuhay ba ang kumukopkop
sa mga naglalakihang pamilihang ito--dito kaya namimili
ang mga pangkaraniwang manggagawa ng bansa o baka naman nagiging
pasyalan lamang ng mga pangkaraniwan o ng masa na masasabi.
Sa tingin ko ang mga suki talaga o mamimili dito ay karamihan mga
kaanak ng mga OFW o kung hindi man ay ang mga Kuratong
O mga manggagawa o opisyal ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan..
Dahil kong tutuusin, ang mga pangkaraniwang manggagawa sa Metro Manila halimbawa ay wala halos kakayahang mamili sa mga mamahaling paninda sa mga 'Malls' na ito
kung pagbabasehan lamang ang regular na kita(sahod) ng mga ito.
Kaya maaaring sabihin na ang bumubuhay at nagpapalago sa malalaking kalakal
o negosyo ng bansa ay ang dalawang(2) uri ng mamamayan sa estado ng kabuhayan:
1.) Kaanak ng mga OFW
2.) Kaanak ng mga Kagawad o opisyal ng Pamahalaan
(ang may mga sideline ika nga)
Mayroon din naman tayong masasabing mga negosyanteng Pinoy
(mga self employed), mga nagtagumpay sa larangan ng negosyo.
Ngunit maaaring wala pa siguro 30% ng populasyon ng bansa,
at karamihan sa mga ito, palibhasa nga mga negosyante, marurunong
sa pananalapi o paggasta ang mga ito--kaya hindi ito
maasahan na maging suki sa mga naglalakihan na mga pamilihan
o mga kalakal na hindi naman gasinong kailangan ng tao.
Iilan lang naman ang mga mayayamang Pinoy, Tsinoy, o Kastilaloy man
na tumatangkilik sa mga 'Malls' na ito.. ang tinutukoy nating mayaman
ay yaong milyonaryo't bilyonaryo na mga Pinoy,Tsinoy atpb.
Kaya't kong magiging basehan nga ang 2 nabanggit na mga suki
sa mga 'Malls' o mga kalakal na hindi nahahanay sa consumer goods.
Masasabi nating ang kalagayang pangkabuhayan o ekonomiya ng bansa
ay huwad na ekonomiya o mahina dahil sa ang pinagkukunan ay nanggagaling sa labas at ang nanggaling naman sa loob (Gov't. Staff) ay salapi
na walang produkto(hindi kagaya kong nanggagaling ito sa
mga manggagawa sa mga Pabrika (Manufacturing)
At dito nakikita natin ang labis na kahinaan ng mga programa
at kawalan ng mga pamamaraan na epektibo ang Gobyerno..
Na labis umaasa sa mga nahahakot na salapi(dayuhang salapi) ng mga OFW
na siya ngang nagbibigay tulong sa karagdagang pag-ahon ng ekonomiya ng bansa.
Ang kahirapan ng bansa ay ang kakulangan ng mga patrabaho o opurtunidad
at kong mayroon mang patrabaho, kakulangan naman ng sapat na pasahod..
Ang tanong ay kung BAKIT nangyayari ang ganito sa ating mahal na Bayan?
ANG LAKAS NG SALAPI AY NASA PRODUKTO NG SALAPI..
ano ano ba ang mga produkto ng ating salapi?
Mayroon ba tayong mga sariling makinarya't sopistikadong
kagamitan?
KAPAG ANG ISANG BANSA MAY SARILING MGA MAKINARYA AT
SOPISTIKADONG MGA KAGAMITAN! tnitiyak ko, makapangyarihan
ang bansang ito..may matatag na ekonomiya..
Walang pinag-iba yan sa indibiduwal na tao--kapag nagsasarili ka (independent)
matatag hindi ka basta-basta matitinag..kabaliktaran kapag ang isang tao
ay palaasa at palagiang nanghihingi ng tulong sa iba.
Ganun din naman ang isang bansa, kapag ito ay palaasa at palagiang
humihingi ng tulong sa ibang bansa... alam na natin ang kinahihinatnan.
Matagal-tagal na ring naging independente(kuno) ang bansa, ngunit magpahangga
ngayon tila mandin natutulog sa pansitan ang mga maykapangyarihan
na siyang may kakayahang isakatuparan at pahalagahan ang kapakanan
ng nakararaming Pilipino...
Sa ganang akin, labis na nagiging mailap ang tunay na kalayaan, kalayaan
sa kahirapan, kahinaan at kamangmangan..
Dahil sa sablay na edukasyon ng bansa..
Kawalan ng angkop na karunungan..
Kawalan ng PILOSOPIYA.
No comments:
Post a Comment