Saturday, August 8, 2009

Bakit Pilosopiyang Pinoy

Ang pundasyon ng alinmang bansa
ay nag-uugat sa wasto o akmang edukasyon..
pero nakakadismaya, na ang edukasyon
ng ng mahal kong Pilipinas ay hindi angkop
sa pangangailangan nito, kaya naman
hindi natutugunan ang tunay at totoong
pag-unlad na minimithi ng mga kalahi
ni Juan De La Cruz...

Napakarami ng ating mga mahuhusay
propesyunal/dalubhasa sa ibat-ibang larangan
na produkto ng ating sablay na edukasyon..
(dahil kong angkop/tama ang edukasyon ng bansa
may nagagawa o naiaambag sana na mga akmang
ideya ang ating mga 'edukadong' mamamayan)
kanya naman hindi nakapagtataka
kumbakit tila usad pagong ang tunay
na kaunlaran, at nasasayang lamang
ang yaman tao(human resources) natin
na karamihan nga sa mga mahuhusay na Pinoy
ay nangingibang Bansa sa kakulangan nga
ng mga uportunidad sa sariling Bansa..

Mahuhusay magsalita sa salitang dayuhan
ngunit sa sariling wika tila nahihirapan..
Imbes na linangin ang sariling wika
nauuna palagi pagpapahalaga sa wikang dayuhan

Napakahalaga na magkaroon ang Pinoy
ng sariling pananaliksik(research)
sariling pag-aaral,paglinang ng sariling
karunungan upang magkaroon ng sarili at
independenteng kaisipan ng sa ganoon
ay makahulagpos sa mga turo/aral ng mga
dayuhan na mapanikil at puno ng pangguguyo
na nagiging sanhi ng kahinaan ng madlang pipol..

At kaya naman may mahina tayong Gobyerno
ay sa kadahilanan nga na karamihan (majority)
sa Pinoy ay mahina
na kung saan bumabalik nga ito sa kahinaan ng
ating edukasyon o pilosopiya ng Bansa.

http://www.skyscrapercity.com/showthread.php?t=525790&page=31

Philosophy of Education: Famous Philosopher's Quotes on Educational Philosophy, Teaching Philosophy Truth Reality

Philosophy of Education: Famous Philosopher's Quotes on Educational Philosophy, Teaching Philosophy Truth Reality: "http://www.spaceandmotion.com/Philosophy-Education.htm"

"Philosophy is the art which teaches us how to live, & since children need to learn it as much as we do, why do we not instruct them in it?"

Geoff Haselhurst

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq