Ano ang rebolusyon?
Ang salitang rebolusyon ay katagang halos maiihambing mo sa salitang diyos na parati na natin naririnig o ginagamit sa ibat ibang paghahayag pang-aakit pangkumbinsi sa larangan ng komersiyo (kalakalan) at lalo higit sa ekonomiya at politika.
Kapag sinabing rebolusyon, ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan nito, yung orihinal na ibig sabihin at katuturan?
Ang rebolusyon ay pakay ang malaking pagbabago o ideya na makabago na pagmumulan ng malawakang pagpapalit ng kaisipan, pamamaraan, pagbalangkas sa mga lumang nakagawian paniniwalat gawain ng nakararami na magdudulot ng kabutihan kasaganaan at pag-unlad ng isang lipunang ginagalawan.
Ngayon, marami sa atin mapaKomersiyo na larangan at lalo sa larangang politikal ay madalas ipinangangalandakan ang rebolusyon subalit kung papansinin maige wala naman talaga malawakang pagbabago o ideya na isinusulong kung hindi magpalit lamang ng mga pangalan o sistematikong katawagan ngunit ang sistema o kalakaran ay ganun parin naman na paiiralin.
Kumbaga nilalansi dinadaya panglilitot pangguguyo lang naman pala at walang ibang pakay kung hindi mga pansariling interes. Pagpapalawak ng kanikanyang kapangyarihan at impluwensiya upang lalong mapanghawakan at kontrolin ang mga nasasakupan nito sa patuloy na pagsikil pagpapanatili sa kawalan ng kapangyarihan ng masa o nakararami.
Isang halimbawa ng matagumpay na rebolusyon ay ang inilunsad ni Mao Tse Tung ng Tsina na nagpatalsik sa makalumang Imperyalistang Tsina.
Na isinakatuparan ang mga hakbang at pamamaraang kakaiba sa ekonomiyat politikal na kalakaran nito. Kumunista ngunit sinamahan din ang pagsusulong ng pamamaraan kapitalista upang sumabay sabayan ang malawakang pandaigdigang "industrial revolution". Pinagsikapan, naglatag nagtatag ng pang-matagalan (LONG-TERM na mga plano o BLUEPRINT) na pamamaraan at plano at ngayon nga isa na sa matagumpay at ganap na industriyalisadot makapangyarihan na bansa ito.
Ngayon, bigyan pansin at samahan ng kapirasong pag-aanalisa ang pag-iingat sa mga isinusulong ng ating mga politikong nasa kapangyarihan na ginagamit ang salitang 'Rebolusyon', ang bukambibig na RevGov, at pagpipilit na baguhin ang saligang batas .
Dito ba may kakikitaan tayo ng mga kakaibang ideya na magtutulak sa bansa tungo sa pagiging maunlad at industriyalisadot independenteng bansa sa pananalapi at husay galing sa mga pansariling industriya.
O puro mga planong lipad-hangin na puro lamang pagpapalit pangalan. Walang pundasyon o pangmatagalan na plano na maski magpalit palit man ng mga lider ay patuloy na maisasakatuparan.
Ang rebolusyon o malaking pagbabago ay nararapat kinasasangkutan ng isang matapat na ideyang naglalayon ng totoong pagsulong tungo sa makabuluhang pagbabago hindi puro salita lamang at mga pangakong. napapako na gawa gawa lamang ng mga bayarang manunulat na gumagamit ng makukulay na salitang mapang-akit ngunit sa likod nito ang mga lihim na pagpapanggap isakatuparan mga ambisyong pansarili lamang kasama ang mga buwitreng hayuk sa limpak na salapi na makukulimbat sa kapangyarihang magbibigay sa kanila ng walang humpay na panggagahasa at pagsasamantala sa kahinaan ng masa o sa nakararaming hikahos at walang kaalam-alam sa laro ng ekonomiyat politikal na kalakaran.
Kung kaya't marapat lamang maging kritikot mapag analisa, mapagmatyag, bantay sarado lalo na sa saligang batas upang mapangalagaan ang ating mga karapatan, ang likas yaman at higit sa lahat ang matuldukan ang paulit-ulit na lamang na panggagamit pagsasamantala ng mga beteranong politikong ginagawang negosyo, gatasan palabigasan ang kaban ng bayan.
Nasasayang lamang ang kapangyarihang politikal na ipinagkakaloob pinagkakatiwala natin sa mga politikong walang ginawa kundi magDramat bolahin mangulimbat (mangumisyoun konsumisyon) sa pondo ng bayan kasabay kasabwat ng kanilang mga maEmosyon na panlilinlang panlilito na puno ng kasinungalingan makuhat maangkin lamang nila mga maitim na adhikaing minimithi.
Hanggang kailan magbibingi-bingihan at magiging bulag na dilat ang mata tila pipi na walang boses magsalita upang isigaw na Tama na! Sobra na ! Palitan na! Ang mga lider na huwad at nagsasamantala lamang !
Sana isang umaga magising tayo na NAGKAKAISA upang walisin, tuldukan ang mga politikong pulpol sa ating bayan.
At nawa'y masilayan natin ang bukang liwayway, liwanag ng totoong pag-unlad kasaganaan kapayapaan sa Lupang Hinirang....
No comments:
Post a Comment