Upang mabigyang buhay, ang kahalagahan ng angkop na karunungan sa pagpupunyagi ng lahing Pilipino
Sunday, November 30, 2008
Ang Pundasyon
Noong unang panahon, ang Pilosopiya ang siyang tinatawag na Edukasyon, Ito ang pinagmulan ng lahat ng uri ng pag-aaral, karunungan, wastong kaisipan at pag-uugali. Naging sandigan ng pag-usad ng sibilisasyon at sandalan ng pakikipagsapalaran ng sangkatauhan.
Subalit sa panahon ngayon, lalo na sa nakagisnan na paniniwala at kaalaman ng mga Pilipino, kabaliktaran ang nangyari, ang salitang pilosopo ay nagkaroon na ng maling kahulugan lalo na sa karamihan sa atin. Sa ngayon, ang pilosopo ay salita o tao na may maling pangangatwiran/paniniwala at sinasabi na isang kalokohan.
Paano nga ba nagkaganito? Na ang isang napakahalagang karunungan ay masalaula at tuluyang maligaw sa maling paniniwala ang karamihan sa ating mga kababayan, Ito nga ba kaya ay sinadya ng mga dayuhan na kumupkop sa atin ng mahabang panahon… Sa kapabayaan din kaya ng mga namumuno sa ating pamahalaan? O hindi kaya hanggang ngayon pilit tayong sinisikil ng mga dayuhan upang makontrol ang ating kaalaman/karunungan upang manatili at patuloy ang pamamayagpag ng dayuhan at mga kaanib nito.
Sapagkat ang Edukasyon o Pilosopiya ang PUNDASYON ng pag-usad pag-unlad ng alinmang bansa o lahi. Sa Pilosopiya nakasalalay ang pag-asa ng bayan. Sa wastong pag-aaral at kaalaman lamang makakamtan ang tunay na pagkakaisa na magbubunsod upang mapangalagaan ang interes ng sambayanang Pilipino.
Labels:
Filipino Philosophy,
Philippines,
Pilosopo,
Pinoy,
Pinoy Blogger,
Pinoy Blogs