Showing posts with label Pinoy Blogs. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Blogs. Show all posts

Thursday, September 21, 2017

Paano at Bakit


Posted at definitelyfilipino.com blog online

Pilipinas: Bakit mahirap na bansa?

Ganito ang magandang tanong!
paano at bakit ang mga malalaking korporasyon at mga kilalat dambuhalang negosyo ay nagtatagumpay.
??
Ganun din bakit at paano  ang USA ay naging isang superpower at napakaIndustriyalisado na bansa??
Bakit??

Ilan sa pangunahin dahilan ay:

Ang mahuhusay na negosyante o 'entrepreneurs ay napapaikutan ng mga trabahador empleyado na pinakamahuhusay matalino mdunong highly skilled human resources. Nagha-hire yan sila, nag e-scout ng 'most brightest brains skilled persons around the planet earth(hehehe).😊

Ang USA naman halos puro immigrant naman ang tao dyan. Sabi pa ni Physicist Michio Kaku ang US  ay mayroon "Genius visa" na tinatawag na kun saan ay parang nag e-scout o nghahanap din sila ng may pinakaMaabiladad na mga tao sa buong mundo--halimbawa ikaw ay scientist e iimbitahan kukunin ka nila at automatic US citizen ka kasama pamilya mo with all the perks & privileges. Kaya hindi sila ngkakaroon ng 'brain drain kumbaga..

Ngayon alamin naman natin kalakaran ng gobyerno natin. Gawin natin halimbawa ang  pinakasikat pinakamatalino daw na lider ng bansa si dating Prez. Ferdinand E Marcos.

Noong ideklara nya ang martial law na naging dahilan para sya na maghari sa buong kapuluan.
Ano ang nangyari? May pagkakahawig ba sa mga nabanggit ko sa taas?
Ang ginawa ni Marcos at ng kanyang mga alipores hinanting pinaghuhuli ipinakulong tinurture ang iba napatay, ang iba naman namundok nalang at ang sinuerte nakaalis ng bansa nanirahan ng tuluyan sa ibang bansa. Meron din marahil nanahimik nalang hindi na nakialam. Ang tinutukoy ko dito mga 'Filipino brains critical thinkers supposedly'  (UP students & other intelectuals) mga diktador kasi parang na 'intimidate yan sa mga taong may angking karunungan para bng ngseselos magkaroon siya kaagaw sa kapangyarihan(insecure).

So, ano mangyari pag takutin ipakulong patayin ang mga kritiko at may angking karunungan. Ano matitira sa atin?

Gay-on po mga kabayan mga bes ang mangyayari kapag hinayaan natin ng sobra sobra (martial law) powers' ang ating mga lider politiko--malalagay sila sa malaking tukso na abusuhin ang labis labis na kapangyarihan.

Dapat sana ay ganito:

Mahalaga (priority) magkaroon ang gobyerno ng permanenteng pngmatagalan (long term) na plano o 'blueprint' na maski magpalit-palit araw-araw😊 ng presidente o mga lider yun at yun ang susundin at isasakatuparan.

Mayroon tayo halos mahigit 105 milyon Pilipino (population) ---hanapin ipunin linangin dapat ang may mga pambihirang dunong especial skill at ilagay sa dapat kalagyan upang makatulong sa mga programang pangkaunlaran.

Ang yaman-tao(human resources) ang pinakamalagang yaman ng alinmang bansa gaya nalang halimbawa ng bansang Japan halos kulang kulang ang likas yaman (natural resources) ngunit hindi ito naging hadlang dahil sa paglinang nila ng husto sa potensyal ng yaman-tao at napakataas na kalidad ng pilosopiya o edukasyon....

Hanggang sa susunod na kwentuhan sa barberya...sana magustuhan ang mga mumunting pangkariwang kaisipang awtomatik😊

Image credit to Pexels

Thursday, November 17, 2016

China

Once upon a time, China was once tagged as the sleeping giant by the ecomonist and other opinion culumnist accross the world. At present this is no longer the case, China is now the second largest economy and is fast becoming worlds superpower in business, military capabilities and defense technology, having now great political influence among countries around the globe. China which is the most populated nation on this planet is now a powerfull force to reckon with. The question is,?! For Filipinos, what do we learn from this. We were educated in a different light from western influence as a former American colony and ally--how many times we were taught that communism is evil and so on and on. We I suppose should study deeper and act decisively to apply some good techniques and ideas not only from China but also from the pitfalls of American ways of governance to include other developed countries as well. It is really high time for our country to begin and develop industrializing our economy. We should move on industrialization process, the government and private sector should join together and launch a long-term plan of action towards a sustainable development that will benefit the majority of our masses in the future generations to come. MABUHAY ANG PILIPINO !!!

Awtomatik

Sunday, November 30, 2008

Ang Pundasyon



Noong unang panahon, ang Pilosopiya ang siyang tinatawag na Edukasyon, Ito ang pinagmulan ng lahat ng uri ng pag-aaral, karunungan, wastong kaisipan at pag-uugali. Naging sandigan ng pag-usad ng sibilisasyon at sandalan ng pakikipagsapalaran ng sangkatauhan.
Subalit sa panahon ngayon, lalo na sa nakagisnan na paniniwala at kaalaman ng mga Pilipino, kabaliktaran ang nangyari, ang salitang pilosopo ay nagkaroon na ng maling kahulugan lalo na sa karamihan sa atin. Sa ngayon, ang pilosopo ay salita o tao na may maling pangangatwiran/paniniwala at sinasabi na isang kalokohan.
Paano nga ba nagkaganito? Na ang isang napakahalagang karunungan ay masalaula at tuluyang maligaw sa maling paniniwala ang karamihan sa ating mga kababayan, Ito nga ba kaya ay sinadya ng mga dayuhan na kumupkop sa atin ng mahabang panahon… Sa kapabayaan din kaya ng mga namumuno sa ating pamahalaan? O hindi kaya hanggang ngayon pilit tayong sinisikil ng mga dayuhan upang makontrol ang ating kaalaman/karunungan upang manatili at patuloy ang pamamayagpag ng dayuhan at mga kaanib nito.
Sapagkat ang Edukasyon o Pilosopiya ang PUNDASYON ng pag-usad pag-unlad ng alinmang bansa o lahi. Sa Pilosopiya nakasalalay ang pag-asa ng bayan. Sa wastong pag-aaral at kaalaman lamang makakamtan ang tunay na pagkakaisa na magbubunsod upang mapangalagaan ang interes ng sambayanang Pilipino.

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq