Friday, September 29, 2017

Mga Bobotante: Marunong ba tayo Magbasa?

Masakit pakinggan ang salitang bobo, tanga! at napakarami pang nakakapikon na salita ang ating mababasat masasalo sa pakikipag-ugnayan komunikasyon natin sa ibat-ibang 'social media' lalo na sa FACEBOOK tuwing nasasali tayo sa pagkokomentaryo sa mga maseselang usaping pambansa na nagdudulot sa lalong pagkakahati at kawalan ng pagkakaisa hindi lamang sa pangkaraniwang magka-kababayan kundi halos pati magkakaibigan kapamilya ay naapektuhan din.

Pasyalan muli natin ang bansang " Japan " ....

Isang pinakamagandang nakaugalian ng mga hapones ( Japan) ay ang pagiging mga palabasa (wide readers, bookworms) ng halos lahat ng mga mamamayan nito. Maliban sa npakarami nilang kapakipakinabang na tradisyunal na kaugalian kagaya ng DISIPLINA ang pagbabasa ay isa rin sa malaking tulong at 'asset nila. Sinasabi na halos lahat ng mamamayan nila ay ngbabasa sa 'national newspaper nila ang Yomiuri Shimbun, sa araw araw na labas nito kung kayat sila ay lubos na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at mga pangangailangan ng bayan nila. Mapapansin kapansin-pansin ang pambihirang pagkakaisa ng bansang JAPAN ! Na kung saan kung ang isang lider nila ay masangkot sa maski mababaw lamang na kontrobersya o kurapsyon ay napakalaking kahihiyan at agad-agad nagbibitiw sa tungkulin ang iba ay sukdulang magpakamatay pa nga sa sobrang kahihiyan. At dahil sa karunungan kaalaman (awareness) ng mga mamamayan nito sa pagiging mga palabasa't de-kalidad na pang-unawa (lalot napakahusay din ng edukasyon pilosopiya ng bansang Hapon) ay hindi uubra sa kanila ang lokohin lituhin utuin linlangin ng kahit na sinumang may hangad maging pinuno o lider. Lubos na nalalaman nila ang karapatdapat sa matataas na tungkulin sa pamahalaan.

Kabaliktaran at napakalaki pagkakaiba sa ating mga mamayang Pinoy. Bihira sa ating mga kababayan ang matiyaga magbasa lalo sa mga seryosong usapin lalo may kinalaman sa mga pambansang isyu. Karamihan sa atin kahilig sa mga chat chat,  kadalasan nabasa lang title ng isang article ng DefinitelyFilipino blog nagkokomento na agad hindi muna binasa at inunawa ng husto ang paglalahad ng nagsulat. Hindi din naman nakapagtataka dahil narin sa mahinang sistema ng ating edukasyon o pilosopiya ng mga paaralan natin magmula elementarya hanggang sa mkapagtapos man ng 'high school'.

Subalit ngunit maski hindi man tayo mkapagtapos ng mataas na pag--aaral kung tayo ay palabasa, parati uhaw gutom sa karunungan at may pagka-kritikot mapag-obserbat mapag-usisa at hindi agad agad naniniwala sa mga nababasa maski pa ito ay nakagisnan at itinuro man ng mga ninunot nakakatanda sa atin ay nagkakaroon tayo ng mas matimbang na pananaw pang-unawa sa mga kaganapan pangyayari't kaguluhan bumabalot sa ating mahal na bayan.

Sapagkat ang wastong karunungan kaalaman ang magiging tulay natin tungo sa makabuluhang pagkakaisa na magiging daan sa totohanang pag-unlad, kapayapaan at masaganang pamumuhay sa bawat mamamayang Pilipino.

^A man only learns in two ways, one by reading, and the other by association with smarter people.^

Unknown
Photo image -- credit to owner

No comments:

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq