Kung napag-uusapan natin ang kahirapan ng lupang hinirang nararapat din naman pag-usapan ang taglay na yaman nito.
Bakit nga ba matatawag na mayaman ang inang bayan natn?
Una, kung bibigyan pansin natin sa mapa pa lamang, hindi lang basta maganda kundi kamangha-mangha ang pambihirang taglay na ganda ng kapuluan “The Philippines”. Ibig sabihin labis labis ang angking likas na yaman (natural resources).
At sa kapuluang (7,107 islands) ito, na nababalot ng halos “unlimited” na likas yaman at kaaya-aya na klima sa katamtamang init tuwing ‘summer’ (na kina-iinggitan, kinagigiliwan ng mga banyaga) at nakakaaliw na masaganang dilig kalikasan naman tuwing pagsapit ng tag-ulan. Maliban pa, mayaman din at hindi pahuhuli ang bansa natin sa pagdalaw ng mga unos na malalakas na bagyo at mga pagbaha ( dapat mapag-aralan din ito paano mapakinabangan at maging pabor sa bansa hehehe lols?).
Pangalawa , yaman-tao. Maabilidad, sobrang matatalino, masisipag, sobrang matiyaga, may katamaran at napakarami pang mga pambihirang katangiang taglay ang lahing Pinoy.
Sinasabi na ang malaking populasyon daw ay hadlang sa pag-unlad . Ngunit subalit depende marahil sa kalakaran pamamalakad panghihikayat, mga pangarap ng mga mamamayan nito.
Kapag maraming tao; maraming manggagawa, maraming kustomer; maraming benta, marami kita/tubo; mayaman maganda takbo ekonomiya.
Ang marami o malaking populasyon kung tutuusin ay malaking ‘asset” para sa bayan. Nagiging “liability” lamang ito kung nagiging inutil walang silbi kung ang kalakaran ay hindi angkop sa interes ng bansa.
Pangatlo, Pinoy ang nag-iisa at walang katulad, na sino? Walang iba kundi ang Awtomatik. Parang nkakatawa o pgpptawa lang ngunit kung kkasangkapin natin ang inyong lingk malamang sa di kalaunan masusumpungan ng Bayang Magiliw ang liwanag na matagal ng hinahangad. (Ngunit itong pangatlo ‘optional lang ito, pwedi na rin maski wala si awtomatik hehehe lols?
Ngunit paano at bakit nagiging hikahos nghihirap ang ating mga kababayan. Sa isang banda kung mamumuhay lamang tayo ng simple lalo na sa mga bukirin sa probinsiya ay hindi naman talaga basta magugutom ang Pilipino.
Dangan nga lamang kagaya sa karamihan ng tao apektado ang bawat isa sa atin sa kalakarang pang-ekonomiya ng bansa. Pinakamalaking suliranin o hamon sa ekonomiya (economics) ay ang walang katapusang pangangailangan ng tao–mapa NEEDS man yan o WANTS lang. Kumbaga pinangarap mo magkaroon ng sariling bahay! Ngayon natupad ang pangarap mo na yan, pero hindi mgtatapos yun dun. Kailangan punuin mo ng mga naggagandahang kagamitan ang bagong bahay. Napuno na ng mga appliances.; kailangan may sasakyan ka, dapat yun maganda at mamahalin, kailangan bagayan din ng magandang pananamit at npakarami pang ibang walang katapusan na pangangailangan at mga gusto natin sa buhay.
Ngayon kapag wala ka nito, minsan pakiramdam mo o tingin sayo isa kang mahirap o hikahos sa buhay.
Sa kblng bnda kapag napg-usapan naman pandaigdigang kalakalan (world trade) silipin natin ng malinaw kung gaano tayo kayaman na bansa. Halimbawa sa bansang Japan lumahok tayo palit kalakal sa kanila.
Marahil alam na natin na halos ang pangtinda natin sa kanila ay halos kagaya ng saging (bananas) lamang atpb. na hilaw na materyales samantala aangkat o bibili tayo sa kanila ng mga high tech gadgets, technology equipments, heavy equipments at npakarami pang iba. At natural hindi naman nila tatatangapin yun salapi natin. Kakailanganin natin ng banyagang salapi o kapital kung kayat kailangan at maobliga mangutang kapalit ng ibat ibang kasunduan na malimit madalas lugi si Juan De la Cruz.
Mayroon isang yaman o kayamanan na mahilig din ipakalat ng mga propagandista lalo ng mga FAKE NEWS providers.
Ang kayamanang ginto ‘GOLD. Paano nga ba naging isang kayamanan ang ginto. Dahil marahil sa ito kagaya ng diamante ay mahirap hanapin at lubhang kakaunti limitado ang supply. Hindi kagaya ng saging na itinatanim lang pwedi ng dumami at paramihin maski hanggang trillones.
Subalit sabi pa nga ng kilalang matagumpay na mamumuhunan na si Warren Buffet(investor mugol) kung iipunin daw lahat ng naminang ginto at ilalagay o itatago daw sa isang bodega ay napakaliit lamang nito ang maiipon. Ngunit sabi pa ni Mr. Buffet mas nanaisin pa nya ang magkaroon ng ari-arian na mga bukirin na may sari-saring pananim at iba-ibang mga alagang hayup na manganganak at dadami kumpara sa magtago o mag-ipon ng ginto.
Ang ginto naman kasi wala naman talaga mahalagang kapakinabangan hindi kagaya sa mga pananim na pagkain, mga hayup o langis na mahalaga sa pagtakbo ng mga makinarya. Nabigyan lang ng halaga (value) dahil sa kakulangan (scarcity) at mahirap hanapin o magawa (produce/production).
Kung kayat ang ginto ay hindi totoong kayamanan. Lalong hindi yan basehan sa pag-imprenta ng salapi.
Kung ang hangad ng mga Pinoy ay ang kayamanan kagaya sa mauunlad na bansa US, UK, Germany, Japan, China atpb. ay gagayahin lamang ang ginawa nila upang ganap na maging industriyalisadong bansa— ang magkaroon ng mga sariling makinaryat kagamitan sa pamamagitan ng pagiging independente at pangangalaga sa pansarili pambansang interes.
No comments:
Post a Comment