Monday, January 15, 2018

Guro at Edukasyon : Susi sa Pag-unlad

Nagiging isyu sa kasalukuyan ang ang dagdag pasahod sa mga kawani ng pamahalaan.
Pasahod sa mga kapulisan na tagapagpasunod ng batas at nangangalaga sa 'peace and order ng ating pamayanan ganun din naman sa ating mga magigiting na sundalo ng Sandatahang Lakas ng Bansa.

Hindi nakapagtataka kung uunahin o mas bibigyan prayoridad ang pagpapataas pasahod sa mga kawani ng Puwersang Sandatahang Lakas at sa Pambansang Kapulisan (PNP) dahil ito ang sasandalan ng alinman o sinumang pinunot lider sa sandaling may mga krisis pampulitika ng mga nasa kapangyarihan.

Subalit kung may malasakit at tunay na may mabuting pakay na maisulong ang pangmatagalan na pag-usad tungo sa pag-unlad, dapat unahin at maging prayoridad ang pagpapataas ng kalidad at husay kagalingan walang iba kundi ang ating edukasyon. Ang mabalasa ng husto sa matuwid, makabuluhan at mga napapanahon na mga aralin na huhubog sa ating mga kabataan na pagmumulan ng mga responsableng pinunot lider na maaasahan tungo sa tunay na pagbabago sa mga maling kulturat kaugalian, kaisipan, paniniwala na mga nakasanayan sa ating lipunan.

At dito nga pumapasok ang usaping pagbibigay prayoridad na unahin taasan ang pasahod sa ating mga mahal na mga pampublikong guro't mangangaral o Public School Teachers'.

BAKIT ? Dapat maging prayoridad ang edukasyon !
Una, maski saang anggulo tingnan, tanging edukasyon -- mataas na antas na edukasyon ang magtutulak at magiging tulay upang magapi matuldukan malampasan ang labis labis na kahinaan kamangmangan kakulangan disiplina na lubos na kailangan sa tunay na pagbabago't pag-unlad, kapayapaan at kasaganaan ng bansa.

Pangalawa, kapag nagkarun ng mataas na pasahod ang ating mga pampublikong mga guro ay tiyak na aakit ito sa ating mga matatalinot marurunong sa ating mga kabataan. Isipin na lamang kung ang pasahod sa isang pangkaraniwang guro nag-uumpisa sa halagang limampung libo(50,000) peso hanggang isandaan at dalawmpung libong (120,000) ka pesos kada buwan.
Aywan ko nalamang kung hindi maakit ang ating mga maabilidad na kabataan na puntiryahin ang propesyon ng pagtuturo.

Pangatlo, hanapin magsaliksik ng mga tao at karunungan o bumuo ng grupo ng mga makabayang Pilipino na bubuo uukit ng mga pamantayan at araling lubos na kapakipakinabang na magsusulong at gabay sa patuloy na paglinang sa mga araling magbibigay pundasyon sa karunungan ng lahing Pilino sa kasalukuyan at sa mga darating pang panahon.

Dapat din naman unti unti o maski biglaan bigyan ng pagsusulit ang kasalukuyang mga guro upang malaman ang mga karapatdapat manatili at ang hindi makapasa bigyan ng karampatang pabuya o 'early retirement benefits'.

Kapag mahina, may kakulangan ang edukasyon ng bayan-- awtomatikong nagiging mahina din  naman ang bansa.
Kung anong mga pinunot lider mayroon tayo, ito ay nagsasalamin lamang sa kung ano at sino tayo. Lubhang napakalayo natin sa gawaing pamamaraang pangEkonomiya sa mga industriyat palit kalakal sa ibat ibang  bansa lalo na sa mauunlad.

Ang kahinaan sa pagpili at pag-akit sa ating mga may karunungan at kakayahan lumahok sa mga politikal na larangan gaya sa halalan o eleksiyon ay nakasalalay parati sa kakayahan sa karunungan ng mga mamamayan nito na kung saan karamihan ay tinaguriang mga "Bobotantes" o bumubuto't pumipili dala sa kasikatan, impluwensiya ng salapi at mga gawa-gawang kuwentot propagandang mapanlinlang umaakit sa emosyon at kahinaan ng nakararami sa ating mga kababayan.

Marahil at panigurado, kung mayroong gagawing makabuluhang pagbabago o rebolusyon walang ibang pinakamandang pagmulan kundi sa pag-ukit, paghubog ng sistema ng edukasyon na napapanahon at angkop sa pangangailangan  na mangangalaga sa interes o kapakanan ng bansa.

Habang ang umiiral na edukasyon ay di angkop, may kakulangan at kahinaan sa kalidad, patuloy na magiging lumpo ang ekonomiyat politikal na kalakaran ng bansa.

" A country without quality education will always be in shambles"

awtomatik

No comments:

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq