Monday, January 15, 2018

Makabayang Kuwentong Pilosopo

Kapag pilosopiya, pilosopo, pamimilosopo ang paksa na pag uusapan, dito umuusbong ang maraming katanungan. Ang mga tanong na bakit? 

Na maaring dugtungan ng ano? At paano?

Ngunit alas, ang salitang pilosopo sa mga pinoy ay matagal ng nabalahura o sinadyang ibalahura upang mandiy' iligaw sa wastong kaalaman karunungan kamalayan ang lahing Pilipino....

Kung susuriin at babaybayin ang ang kasaysayan ng sangkatauhan lahat halos ng karunungat kaalaman ay nag-ugat nagmula sa mga turo pangaral ng mga likas na tagapagturo o mga Pilosopo noong unang panahon, kagaya na lamang nina Socrates, Plato at Aristotle noong panahon ng mga Griyego. Ni Lao Tsu, Cofucius ng Tsina at napakarami pang iba na likas na mangangaral o kung tawagin ay mga "philosopher" o 'natural born teachers' .

Sa 1st World' o mauunlad na bansa ang mga pangaral ng mga pambihirang bantayog na ito ang nagiging gabay nila sa pagbuo ng edukasyon na nagbibigay ng sapat na pundasyon at haligi upang ang mga mamayan nito ay mahubog sa mataas na antas ng karunungan kung kayat lubos na napangangalagaan ang kapakanan interes ng bansa nito mapaEkonomomiya  o politikal man.

Isa sa mga katanungan ay ganito ?
Bakit sa kabila ng pagkakaroon natin ng maraming mga institusyon pangkarunungan o mga Unibersidad at napakarami nating matatawag na mga edukadong mamamayan ay tila patuloy na lugmok na wariy nakabaon sa kumunoy ang ekonomiyat politikal na kalagayan ng napakayamang bansa ng Pilipinas kung likas yaman at yaman -tao din lamang ang pag-uusapan??

Ang simpleng kasagutan ay dahil nga sa matagal ng patuloy na umiiral na kakulangan at kamalian sa edukasyon o pilosopiya na itinuturo sa paghubog sa karunungan  ng ating kabataan mamamayan at lahat lahat na !!!

Maaring sabihin...ikaw, (ako yun) nasasabing hindi wastot may kakulangan ang edukasyon ng bayan natin ay dahil sa ikaw ay bulakbol at hindi nakapagtapos sa kolehiyo, na hindi isang propesyunal ay idinadahilan na lamang ang ganyan upang gawing alibi' o paninising dahilan sa iyong personal na kabiguan sa buhay. ( LOLS)

Ngunit anupaman ang ating pananaw, tingnan at aminin natin ang patuloy na kahinaan sa kapangyarihan ng ating mga mamamayan o madlang pipol' na patuloy mandiy' napaglalaruan nalolokot naguguyo lamang ng ating mga ganid sa kapangyarihan na mga beteranong Politiko na wala naman talaga ginawa kundi utuin ang marami sa ating mga kababayan.

Maski saan anggulo natin tingnan lubhang napakahalaga ng wastong kaalaman o edukasyon. Yung kamalayan o 'awareness' na tinatawag. Kapag sablay na edukasyon ay parang 'domino effect' na yan, walang katapusan at patuloy na pagsablay ang kahahantungan nyan.
Tingnan natin ang patuloy na kawalan natin ng mga totoong responsable o maasahan na mga lider politiko natin.
Maski sino na lang pwedi mamulitika o pumasok sa politika.
Bastat sikat, mahusay mambola gumawa ng mga kasinungalingan at kuwentong Barberong Baliko pwedi na lalo kung mapera't maraming koneksiyon, tuso't mandarayat mandarambong...yan po mga kababayan ang ilan lamang sa mga kuwalipikasyon sa pagpasok sa politika sa ating mahal na Bayang Magiliw .

Kung sa maunlad na bansa kaya gaya ng Taiwan, Japan o South Korea uubra ba ang mga kagaya sa mga politiko natin...pihadong hindi ! dahil ang mamayan nila maski elementary o high school graduate lamang sa kanila ay nahubog nga sa wastong edukasyon na kung kayat nalalaman nauunawaan kung sino mga dapat karapatdapat makibahagi sa larangan ng politika.
Kaunting kapalpakan lang sa kanila kailangan baba kana sa pwesto agad at napakalaking kahihiyan na sa kanila ang ganun.
Kabaliktaran sa ating mahal na bayan. Maski isinuka na ng lipunan dahil sa pandarambong pagnanakaw sa kaban ng bayan at sangkaterbang katiwalian patuloy parin tinatangkilik at nakakabalik pamumulitika at nakikipagsabwatan alyansa pa sa mga kapwa ganid at ilan dekada ng nagsasamantala sa kahinaan ng ating mga pobre mamamayan na karamihan nga mga kulang kulang sa kaalamang POLITICAL.
Minsan totoong masakit pakinggan at tanggapin subalit yan ang realidad sa LuzViMinda nating mahal.

Pilosopiya mga kababayan ko ang ang malaking kakulangan sa ating Bayan.
At ano nga ba ang pilosopiya?
Bakit hindi itinuturo ito noong nasa elementaryat high school tayo?

Ang pilosopiya ay binubuo ng dalawang sangay -- Lohika at Etika.
Logic -- tama o wastong pag-iisip
Ethics-- wastong gawain.

Isipin na lamang kung dito nahubog ang karamihan sa ating mga Pilipino, uubra ba ang mga politikong pulpol??

At bakit kailangan naman natin ang maayos na politika na maggigiya sa ekonomiyang pambansa.
Maaari naman talaga at marami din umuunlad na tao maski walang pakialam sa politika lalot mahusay ito sa pangangalaga sa pansariling interes kagaya sa mga maabilidad na mga negosyante natin. Subalit karamihan sa atin ay nahahanay sa uring manggagawa. Ngayon, ano nga ba ang saysay ng isang gobyerno o 'kapangyarihang politikal' kung hindi nito napapangalagaan ng husto ang kapakanan at nabibigyan ng mga opurtunidad ang nakararaming mamayan nito.

Hindi natin sinasabi na iaasa o umasa na lamang at sisihin ang gobyerno. Ang tanong ay kung ano ang silbi kung inutil din lang ang gobyerno na siyang 'may kapangyarihan' linangin ang likas yaman, yaman-tao at isaayos, magsagawa mga programang pangkabuhayan upang maiahon at tuluyang maging ganap na maunlad may kakayahang industriyal matatag na independenteng ekonomiya ang bansa.

Mayroon nga ba mga ganitong hakbang pinapairal? na kung saan patungo ang bansa sa pagkakaroon ng sariling industriya o patuloy parin kagaya sa mga nakaraang dekada ng politikal ekonomiyang pamamaraan kung saan patuloy na umaasa sa mga makinaryat kapital ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa.
Na kung saan ang lubos na nakikinabang lamang ng hustot nagpapayaman ay mga kapamilyat kaalyado ng mga mapanlinlang, maDrama, mapangGuyo na mga beteranong politiko at mga kaalyado nito...at sa mga negosyanteng balimbing na natural lamang umayon parati sa indayog ng tugtog at makisama sunod sa takbo ng panahon ayon sa kulay ng politika.

At panghuli, anong saysay ng pagiging tao natin kung lilimitahan natin ang kaisipan natin.
At bilang Pilipino, bakit nga ba nagagawa, mas maunlad, mas mahusay, mapayapa at mas napapangalagaan(kapakanan/interes)ng ibang lahi ang kaniKanilang mga likas yaman  maski dito na lamang sa kalakhang Asya.

"Huwag kang pilosopo !" Sabi pa.
'Ang hindi naituro sa atin, dapat pala maging pilosopo tayo.'
Pilosopiya o wastong edukasyon ang tanging daan tungo sa matuwid, masagana, maunlad mapayapang bansa ng lupang hinirang -- Ang Pilipinas.

.

No comments:

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq