Madalas minsan nakakasawa at parang mas maige pa wag nalang makialam. Kaya lang kapag may pagka kritiko ka lalot ang libangan mo e magbasa ng magbasa ng samutsaring mga balita't kuro-kuro ukol sa ating mahal na bayan. Mahirap din pigilan o magtimpi na hindi mo mailabas ang iyong opinyon at obserbasyon sa mga kaganapan sa ating mga namumuno ng ating bansa.
Sa panahon ngayon na npkabilis mgpakalat ng balita at mga propaganda dahil sa "social media" ..kapag ang nkkabbasa o nakakapanood nito ay sabihin na natin hindi gaano kritikal o mapag-analisa sa pg iisip at madaling maniwala at hindi marunong mgsaliksik o magtanong sa sarili nitong kaisipan ay madaling maguyo at mpapaniwala ng mga propagandista.
Kagaya na lamang nitong bukambibig na "war on drugs"...
Nakakalungkot isipin sa social media na marami ang natutuwa at sumusuporta sa ganitong sistema ng pagsugpo ng salot na droga sa ating lipunan...ang masakit nito eh halos mga maliliit lamang ang nahuhuli at napapatay ng ating mga alagad ng batas. Kung mayroon mang masasabing bigtime druglords ay sa mga liblib lamang na probinsya kagaya sa nangyari kay Albuera Mayor Espinosa na sumuko na nga nasa kulungan na pinatay parin dahil nanlaban daw. Ang isa nman kamakailan lamang ay si Mayor Parohinog ng Ozamiz City, isang maliit lang din na ciudad.
Pero bakit sa Metro Manila at Metro Cebu hindi naman mahuli-huli ang mga bigtime talaga dyan...panay mga nkatsinelas at kapwa natin mga mahihirap ang pinapatay na parang mga daga.. pero ang puno at ugat ng droga na yan hindi nman nasasaling ...nasaan ang pagbabago na tinatawag o pagpuksa sa kurapsyon..nasaan?
Marubrob na operasyon ang isinasagawa laban sa druga pero nakalusot sa mismong BOC green lane ang halos 600kilos ng shabu na ngkkahalaga daw ng 6.4 Bilyong peso...hindi pa natin alam ang tuluyang nakalusot...baka mas malaking shipment pa ang nakalusot na, bago nasabat at nahuli ang ang mga illegal na kargamento na ito na nasabat sa warehouse sa Valenzuela Bulakan.
Itong usapin ng "Illegal Drug Menace" na ipinangakong susugpuin sa loob lamang ng anim na buwan... ay maihhambing sa isang punong kahoy na nais natin alisin. Kung mga dahon at mga sanga lamang nito ang ating puputulin lalo lamang itong lalago!
Hanggat hindi pinuputol ang mga ugat ng punong ito, isang malaking panloloko at kalokohan ang sinasabing pagsugpo nito.
Ngayon medyo pag-usapan natin ang pagbabago o pag-unlad ng bayan natin sa kasalukuyan...maroon kasi mga nagsasabi na kaya daw tayo hindi umuunlad ay dahil sa mga mahilig komontra...bakit daw hindi nalang sumuporta para tuloy tuloy ang pag unlad ng bayan. Mulat sapul panahon paman ng diktadura Marcos ay walang malinaw (long term) na programa ang ating gobyerno...ilang administrasyon na ang palit palit hanggang ngayon wala parin malinaw at pangmatagalang programa ang nabubuo...ano ba talaga ang kailangan upang ganap na maging maunlad at tunay na independente ang bansa..---Prayoridad dapat ang magkaroon tayo ng SARILING gawa na mga makinarya TEKNOLOHIYA at kaalaman sa larangan ng AGHAM at paghubog paglinang ng YAMAN-TAO (human resources). Mangyayari lamang kung makabubuo ng sistema o programa na maski magpapalit-palit ng administrasyon patuloy parin na ipatutupad at gagawin ang pangmatagalang plano ...ganyan ang ginawa ng China at ng iba pang mauunlad na bansa.
Ang totoong nangyayari at politikal na kaganapan sa bansa natin...eh mga politiko natin halos puro mga negosyante na ang alam ay 'quick rich scheme' parang mga buwayat buwitre na nag aagawan sa makakatas na puwesto sa gobyerno...ginagawang palabigasan,gatasan ang paglilingkod kuno sa bayan !!
Ngayon daw patungo na tayo sa pag unlad, marami daw mga mega-projects ang goyerno... ang tanong? Eh yun mga mega komisyon? sino sino mga kikita ng limpak limpak na salapi sa komisyon kontrata atpb. ? Mga mega-utang na yan! Dahil tiyak hindi naman natin sarili makinarya at teknolohiya ang gagamitin jan..alangan namang walang kapalit yan !!
Hanggang ngayon, ano ano b mga produktong Pinoy na pampalit kalakal natin sa ibang bansa...tingin ko ganun parin mga hilaw na materyales at kagamitan gaya ng kopras, kamote, kawayan atpb ..ang pinakamabili at pinakikinabangan at ngpapasok ng limpak na dolyar ay walang iba kundi ang mga manggagawa natin sa ibayong dagat...ang "overseas labor force" o mga OFW"s natin.
Sana kung minimithi at totoong hangad natin ay pagbabago...mas makabubuti siguro kung mawawala o mabawasan ang tinatawag na political patronage" o itong sobrang pagkapanatiko sa mga lider...mas makabubuti sa atin kung mababawasan ang pagka-makadilaw, makapula, makaDu30, maka-Marcos,maka-kaliwa at kung ano ano pa.
Sapat na marahil ang maging makaBayan tayo...makaPilipino..pwedi rin makaAwtomatik (Lols)
Hindi rin maganda kung sunod-sunuran lang tayo na parang mga tupa na kailangan lagi ipapastol....magpasalamat tayo na may iilan sa hanay ng gobyerno at mga alagad ng 'media' ang naglalakas loob at sumasalungat sa impluwensya at hampas ng kapangyarihan kapag may nakikitang pang-aabuso,t kalabisan at nagsasamantala.
No comments:
Post a Comment