Showing posts with label Political change. Show all posts
Showing posts with label Political change. Show all posts

Monday, January 15, 2018

Makabayang Kuwentong Pilosopo

Kapag pilosopiya, pilosopo, pamimilosopo ang paksa na pag uusapan, dito umuusbong ang maraming katanungan. Ang mga tanong na bakit? 

Na maaring dugtungan ng ano? At paano?

Ngunit alas, ang salitang pilosopo sa mga pinoy ay matagal ng nabalahura o sinadyang ibalahura upang mandiy' iligaw sa wastong kaalaman karunungan kamalayan ang lahing Pilipino....

Kung susuriin at babaybayin ang ang kasaysayan ng sangkatauhan lahat halos ng karunungat kaalaman ay nag-ugat nagmula sa mga turo pangaral ng mga likas na tagapagturo o mga Pilosopo noong unang panahon, kagaya na lamang nina Socrates, Plato at Aristotle noong panahon ng mga Griyego. Ni Lao Tsu, Cofucius ng Tsina at napakarami pang iba na likas na mangangaral o kung tawagin ay mga "philosopher" o 'natural born teachers' .

Sa 1st World' o mauunlad na bansa ang mga pangaral ng mga pambihirang bantayog na ito ang nagiging gabay nila sa pagbuo ng edukasyon na nagbibigay ng sapat na pundasyon at haligi upang ang mga mamayan nito ay mahubog sa mataas na antas ng karunungan kung kayat lubos na napangangalagaan ang kapakanan interes ng bansa nito mapaEkonomomiya  o politikal man.

Isa sa mga katanungan ay ganito ?
Bakit sa kabila ng pagkakaroon natin ng maraming mga institusyon pangkarunungan o mga Unibersidad at napakarami nating matatawag na mga edukadong mamamayan ay tila patuloy na lugmok na wariy nakabaon sa kumunoy ang ekonomiyat politikal na kalagayan ng napakayamang bansa ng Pilipinas kung likas yaman at yaman -tao din lamang ang pag-uusapan??

Ang simpleng kasagutan ay dahil nga sa matagal ng patuloy na umiiral na kakulangan at kamalian sa edukasyon o pilosopiya na itinuturo sa paghubog sa karunungan  ng ating kabataan mamamayan at lahat lahat na !!!

Maaring sabihin...ikaw, (ako yun) nasasabing hindi wastot may kakulangan ang edukasyon ng bayan natin ay dahil sa ikaw ay bulakbol at hindi nakapagtapos sa kolehiyo, na hindi isang propesyunal ay idinadahilan na lamang ang ganyan upang gawing alibi' o paninising dahilan sa iyong personal na kabiguan sa buhay. ( LOLS)

Ngunit anupaman ang ating pananaw, tingnan at aminin natin ang patuloy na kahinaan sa kapangyarihan ng ating mga mamamayan o madlang pipol' na patuloy mandiy' napaglalaruan nalolokot naguguyo lamang ng ating mga ganid sa kapangyarihan na mga beteranong Politiko na wala naman talaga ginawa kundi utuin ang marami sa ating mga kababayan.

Maski saan anggulo natin tingnan lubhang napakahalaga ng wastong kaalaman o edukasyon. Yung kamalayan o 'awareness' na tinatawag. Kapag sablay na edukasyon ay parang 'domino effect' na yan, walang katapusan at patuloy na pagsablay ang kahahantungan nyan.
Tingnan natin ang patuloy na kawalan natin ng mga totoong responsable o maasahan na mga lider politiko natin.
Maski sino na lang pwedi mamulitika o pumasok sa politika.
Bastat sikat, mahusay mambola gumawa ng mga kasinungalingan at kuwentong Barberong Baliko pwedi na lalo kung mapera't maraming koneksiyon, tuso't mandarayat mandarambong...yan po mga kababayan ang ilan lamang sa mga kuwalipikasyon sa pagpasok sa politika sa ating mahal na Bayang Magiliw .

Kung sa maunlad na bansa kaya gaya ng Taiwan, Japan o South Korea uubra ba ang mga kagaya sa mga politiko natin...pihadong hindi ! dahil ang mamayan nila maski elementary o high school graduate lamang sa kanila ay nahubog nga sa wastong edukasyon na kung kayat nalalaman nauunawaan kung sino mga dapat karapatdapat makibahagi sa larangan ng politika.
Kaunting kapalpakan lang sa kanila kailangan baba kana sa pwesto agad at napakalaking kahihiyan na sa kanila ang ganun.
Kabaliktaran sa ating mahal na bayan. Maski isinuka na ng lipunan dahil sa pandarambong pagnanakaw sa kaban ng bayan at sangkaterbang katiwalian patuloy parin tinatangkilik at nakakabalik pamumulitika at nakikipagsabwatan alyansa pa sa mga kapwa ganid at ilan dekada ng nagsasamantala sa kahinaan ng ating mga pobre mamamayan na karamihan nga mga kulang kulang sa kaalamang POLITICAL.
Minsan totoong masakit pakinggan at tanggapin subalit yan ang realidad sa LuzViMinda nating mahal.

Pilosopiya mga kababayan ko ang ang malaking kakulangan sa ating Bayan.
At ano nga ba ang pilosopiya?
Bakit hindi itinuturo ito noong nasa elementaryat high school tayo?

Ang pilosopiya ay binubuo ng dalawang sangay -- Lohika at Etika.
Logic -- tama o wastong pag-iisip
Ethics-- wastong gawain.

Isipin na lamang kung dito nahubog ang karamihan sa ating mga Pilipino, uubra ba ang mga politikong pulpol??

At bakit kailangan naman natin ang maayos na politika na maggigiya sa ekonomiyang pambansa.
Maaari naman talaga at marami din umuunlad na tao maski walang pakialam sa politika lalot mahusay ito sa pangangalaga sa pansariling interes kagaya sa mga maabilidad na mga negosyante natin. Subalit karamihan sa atin ay nahahanay sa uring manggagawa. Ngayon, ano nga ba ang saysay ng isang gobyerno o 'kapangyarihang politikal' kung hindi nito napapangalagaan ng husto ang kapakanan at nabibigyan ng mga opurtunidad ang nakararaming mamayan nito.

Hindi natin sinasabi na iaasa o umasa na lamang at sisihin ang gobyerno. Ang tanong ay kung ano ang silbi kung inutil din lang ang gobyerno na siyang 'may kapangyarihan' linangin ang likas yaman, yaman-tao at isaayos, magsagawa mga programang pangkabuhayan upang maiahon at tuluyang maging ganap na maunlad may kakayahang industriyal matatag na independenteng ekonomiya ang bansa.

Mayroon nga ba mga ganitong hakbang pinapairal? na kung saan patungo ang bansa sa pagkakaroon ng sariling industriya o patuloy parin kagaya sa mga nakaraang dekada ng politikal ekonomiyang pamamaraan kung saan patuloy na umaasa sa mga makinaryat kapital ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa.
Na kung saan ang lubos na nakikinabang lamang ng hustot nagpapayaman ay mga kapamilyat kaalyado ng mga mapanlinlang, maDrama, mapangGuyo na mga beteranong politiko at mga kaalyado nito...at sa mga negosyanteng balimbing na natural lamang umayon parati sa indayog ng tugtog at makisama sunod sa takbo ng panahon ayon sa kulay ng politika.

At panghuli, anong saysay ng pagiging tao natin kung lilimitahan natin ang kaisipan natin.
At bilang Pilipino, bakit nga ba nagagawa, mas maunlad, mas mahusay, mapayapa at mas napapangalagaan(kapakanan/interes)ng ibang lahi ang kaniKanilang mga likas yaman  maski dito na lamang sa kalakhang Asya.

"Huwag kang pilosopo !" Sabi pa.
'Ang hindi naituro sa atin, dapat pala maging pilosopo tayo.'
Pilosopiya o wastong edukasyon ang tanging daan tungo sa matuwid, masagana, maunlad mapayapang bansa ng lupang hinirang -- Ang Pilipinas.

.

Tuesday, September 5, 2017

Nasaan ang Pagbabago ?

Madalas minsan nakakasawa at parang mas maige pa wag nalang makialam. Kaya lang kapag may pagka kritiko ka lalot ang libangan mo e magbasa ng magbasa ng samutsaring mga balita't kuro-kuro ukol sa ating mahal na bayan. Mahirap din pigilan o magtimpi na hindi mo mailabas ang iyong opinyon at obserbasyon sa mga kaganapan sa ating mga namumuno ng ating bansa.

Sa panahon ngayon na npkabilis mgpakalat ng balita at mga propaganda dahil sa "social media" ..kapag ang nkkabbasa o nakakapanood nito ay sabihin na natin hindi gaano kritikal o mapag-analisa sa pg iisip at madaling maniwala at hindi marunong mgsaliksik o magtanong sa sarili nitong kaisipan ay madaling maguyo at mpapaniwala ng mga propagandista.

Kagaya na lamang nitong bukambibig na "war on drugs"...
Nakakalungkot isipin sa social media na marami ang natutuwa at sumusuporta sa ganitong sistema ng pagsugpo ng salot na droga sa ating lipunan...ang masakit nito eh halos mga maliliit lamang ang nahuhuli at napapatay ng ating mga alagad ng batas. Kung mayroon mang masasabing bigtime druglords ay sa mga liblib lamang na probinsya kagaya sa nangyari kay Albuera Mayor Espinosa na sumuko na nga nasa kulungan na pinatay parin dahil nanlaban daw. Ang isa nman kamakailan lamang ay si Mayor Parohinog ng Ozamiz City, isang maliit lang din na ciudad.

Pero bakit sa Metro Manila at Metro Cebu hindi naman mahuli-huli ang mga bigtime talaga dyan...panay mga nkatsinelas at kapwa natin mga mahihirap ang pinapatay na parang mga daga.. pero ang puno at ugat ng droga na yan hindi nman nasasaling ...nasaan ang pagbabago na tinatawag o pagpuksa sa kurapsyon..nasaan?

Marubrob na operasyon ang isinasagawa laban sa druga pero nakalusot sa mismong BOC green lane ang halos 600kilos ng shabu na ngkkahalaga daw ng 6.4 Bilyong peso...hindi pa natin alam ang tuluyang nakalusot...baka mas malaking shipment pa ang nakalusot na, bago nasabat at nahuli ang ang mga illegal na kargamento na ito na nasabat sa warehouse sa Valenzuela Bulakan.

Itong usapin ng "Illegal Drug Menace" na ipinangakong susugpuin sa loob lamang ng anim na buwan... ay maihhambing sa isang punong kahoy na nais natin alisin. Kung mga dahon at mga sanga lamang nito ang ating puputulin lalo lamang itong lalago!
Hanggat hindi pinuputol ang mga ugat ng punong ito, isang malaking panloloko at kalokohan ang sinasabing pagsugpo nito.

Ngayon medyo pag-usapan natin ang pagbabago o pag-unlad ng bayan natin sa kasalukuyan...maroon kasi mga nagsasabi na kaya daw tayo hindi umuunlad ay dahil sa mga mahilig komontra...bakit daw hindi nalang sumuporta para tuloy tuloy ang pag unlad ng bayan. Mulat sapul panahon paman ng diktadura Marcos ay walang malinaw (long term) na programa ang ating gobyerno...ilang administrasyon na ang palit palit hanggang ngayon wala parin malinaw at pangmatagalang programa ang nabubuo...ano ba talaga ang kailangan upang ganap na maging maunlad at tunay na independente ang bansa..---Prayoridad dapat ang magkaroon tayo ng SARILING gawa na mga makinarya TEKNOLOHIYA at kaalaman sa larangan ng AGHAM at paghubog paglinang ng YAMAN-TAO (human resources). Mangyayari lamang kung makabubuo ng sistema o programa na maski magpapalit-palit ng administrasyon patuloy parin na ipatutupad at gagawin ang pangmatagalang plano ...ganyan ang ginawa ng China at ng iba pang mauunlad na bansa.

Ang totoong nangyayari at politikal na kaganapan sa bansa natin...eh mga politiko natin halos puro mga negosyante na ang alam ay 'quick rich scheme'  parang mga buwayat buwitre na nag aagawan sa makakatas na puwesto sa gobyerno...ginagawang palabigasan,gatasan ang paglilingkod kuno sa bayan !!

Ngayon daw patungo na tayo sa pag unlad, marami daw mga mega-projects ang goyerno... ang tanong? Eh yun mga mega komisyon? sino sino mga kikita ng limpak limpak na salapi sa komisyon kontrata atpb. ?  Mga mega-utang na yan! Dahil tiyak hindi naman natin sarili makinarya at teknolohiya ang gagamitin jan..alangan namang walang kapalit yan !!

Hanggang ngayon, ano ano b mga produktong Pinoy na pampalit kalakal natin sa ibang bansa...tingin ko ganun parin mga hilaw na materyales at kagamitan gaya ng kopras, kamote, kawayan atpb  ..ang pinakamabili at pinakikinabangan at ngpapasok ng limpak na dolyar ay walang iba kundi ang mga manggagawa natin sa ibayong dagat...ang "overseas labor force" o mga OFW"s natin.

Sana kung minimithi at totoong hangad natin ay pagbabago...mas makabubuti siguro kung mawawala o mabawasan ang tinatawag na political patronage" o  itong sobrang pagkapanatiko sa mga lider...mas makabubuti sa atin kung mababawasan ang pagka-makadilaw, makapula, makaDu30, maka-Marcos,maka-kaliwa at kung ano ano pa.
Sapat na marahil ang maging makaBayan tayo...makaPilipino..pwedi rin makaAwtomatik (Lols)

Hindi rin maganda kung sunod-sunuran lang tayo na parang mga tupa na kailangan lagi ipapastol....magpasalamat tayo na may iilan sa hanay ng gobyerno at mga alagad ng 'media' ang naglalakas loob at sumasalungat sa impluwensya at hampas ng kapangyarihan kapag may nakikitang pang-aabuso,t kalabisan at nagsasamantala.

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq