Friday, September 15, 2017

Tokhang 101 : Masama ba akong tao?


Naalala ko noong kabataan kopa. Halos 16 yrs old lamang ako ng lumuwas sa Maynila, sumakay sa Evetranco ( Philtranco) Bus galing sa Tacloban city...wala ako dalang address walang tiyak na pupuntahan, mag isa lamang ako "first time" na pumunta sa Maynila..dala kong pera baon pang-tuition ko sana para sa 2nd semester. (1st year college--15 yrs old ng-graduate high school). Pagbaba ko ng Pasay city  halos 100.00 Php na lamang ang natira sa pera ko..kung saan ngpagala-gala bago ngkaroon ng kakilala nkapatrabaho sa isang maliit na beerhouse restaurant sa Bagong Ilog, Pasig.

To make the story short' ika pa sa english ...sa buhay kabataan ko samut-saring mga karanasan sa buhay ang napagdaanan ---sa pakikipagbarkada, mga lakwatsa, inuman, disco, beerhouse, sauna bath. Pati tikim tikim ng droga, inabot ko narin at naranasan paggamit ng shabu noong 1990's...kapag naiisip ko ngayon minsan naitatanong ko sa sarili ko : " masama ba akong tao? Dahil minsan sa aking buhay kabataan, nadanas ko ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot. Malamang kung noong mga panahong yun eh uso na ang 'tokhang' marahil natokhang narin ako dahil parati ako laman ng kalye at mga kanto magdamagan palagi..hanggang umaga na inuman...walang permanenteng trabaho noon, halos puro kasiyahan lang ang inatupag.

Ngunit dumating ang panahon parang nanawa din nakapag-asawa (@29 yrs old) doon pa lamang nagkaroon ng direksyon at pagiging responsable sa buhay at  lipunan ,nagkaroon ng permanenteng hanapbuhay at halos ang naging 'routine' ay trabaho uwi deretso ng bahay, palagi sabik na makita ang asawa at sanggol na naghihintay sa inuupahang bahay.

Naisip ko ikuwento ang maikling talambuhay na ito dahil narin sa mga karahasan sa ating mga kabataan sa ngayon may kinalaman sa tinaguriang 'War on Drugs' sa kasalukuyan.

Ngayon bilang isang manggawang OFW sa Gitnang Silangan, madalas ko itanong sa aking sarili, "masama ba akong tao?" dahil nga sa pagkakaroon ko ng karanasan sa droga. Sa edad ko ngayon na 50 taong gulang sa mga napagdaanan at karanasan ko sa buhay, naniniwala ako hindi ako masamang tao. Una, maski noon kabataan ko hindi ako nag-iisip ng masama o pagsasamantala sa kapwa. Pangalawa, mula noon kabataan ko maski ngayon may edad na sobra akong mahiyain, maingat na makasaling sa kapwa. Pangatlo, mapag-obserba, kritiko at hindi basta naniniwala maski sa mga nakagisnan ng lipunan at mga paniniwala ng karamihan.

Samakatuwid, hindi natin masasabi na masasama o napapasama lahat ang nagkakaroon ng karanasan sa droga lalo na sa ating kabataan, minsan hindi maiwasan parte ito ng pag-apuhap, kalituhan at kyuryusidad ng murang kaisipan. Kayat isa ako sa hindi sumusuporta at naniniwala sa programa ng Presidente Duterte ukol sa pamamaraan sa pagsupil sa salot na droga,  sa 'War on Drugs' na kung saan ang karamihan sa mga napagdidiskitahan lamang ay ang mga mahihirap at pangkaraniwang mamamayan...samantala ang ugat at pinagmumulan mismo ng suplay ng droga ay patuloy na dumadaloy, ang masaklap pa nadadawit ang malapit mismo na kaanak ng presidente na labis kahina-hinala ang pagtanggi sa mga ipinupukol na mga bentang ng kabilang panig.

Hindi ako relihiyosong tao, ngunit lubos ako naniniwala na sagrado ang buhay ng tao..hindi biro ang basta lang kumitil pumatay ng buhay na parang pumatay lang ng itik o daga. Para sa akin hindi magandang katwiran na idahilan ang pagkakaroon ng mga karumaldumal na mga krimen na ang suspek ay lulung sa droga..ay lahat na lamang ng mapaghinalaan na adik ay itokhang...kung sa salita at utos pa mismo ng presidente--kung hindi lumaban palabanin--patayin.
Tokhang!! Tokhangin !! Ipatokhang!!

Noong umpisa ang ‘Oplan Tokhang’  (tok-tok hangyo–visayan cebuano word) ay maganda ang layunin o paraan na pagsugpo pagsupil sa mga hinihinalaang ‘users at drug pushers’ sa mga kumunidad o Barangay. Pupuntahan lamang ng mga kapulisan o Barangay police upang kausapin at bgyan babala na itigil na sa kanilang gawain ukol sa droga ang mga pinaghihinalaan at isailalim sa masusing ‘surveillance’ kung may katotohanan ang sumbong ukol sa indibiduwal na suspek. Subalit lumaon ay naiba na ang tema at takbo ng operasyon hanggat sa ang salitang ‘tokhang’ ay naiba narin ang pangahalugan sa karamihan sa atin. Hanggat sa dumating sa punto na karamihan na ng natotokhang o napapatay ay sinasabing nanlaban kung kayat nabaril ng mga operatiba.

Isa pang nakaka-alarma sa sistemang ito na nangyayari at nagaganap na marahil ang pagbibigay o pangangalap ng impormasyon na hindi naman gaano dinadaan sa masusing beripikasyon o imbestigasyon. Sa mga Barangay halimbawa nandyan ang mga awayan o inggitan mgkakapitbahay, mga politikal na awayan sa Barangay. Dito pag may nagsumbong nagbigay ng impormasyon na ito diumano si Jose ay adik, ito naman si Juan nagtutulak daw ng droga...kapag hindi ito na berepika ng husto at isinagawa agad ang operasyon ng mga alagad ng batas o naipasa ang listahan sa mga "death squad' ...tokhang dito doon sa madugong pagbabago ang kalalabasan.

Naway magkaroon ng malinaw makabuluhan na kaisipan ang ating mga lider sa pamahalaan at tulong tulong at magkaisa na itigil na at tuluyan ng walisin ang pamamaraan ng 'tokhang' bago paman mahuli ang lahat.

( cartoon pic -- credit to owner)

No comments:

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq