May mga kababayan tayo na pumapanig o sumasang-ayon sa pagdedeklara ng batas militar. Ibat-ibang dahilan pangunahin sa kanilang pagsuporta nito ay upang ang kanilang pinapanginoon na lider ay madagdagan ang kapangyarihan at tuluyan ng manahimik ang mga bumabatikos nito.
Mas magkakaroon daw ng disiplina ang mga tao at mapapabilis daw ang pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran na itinataguyod ng kasalukuyang administrasyon.
Isa din dahilan ay banta daw ng terorismo at kumunista na maghahasik daw ng kaguluhan sa buong kapuluan. At panghuli ay ang banta at lalong lumalalang paglaganap ng salot na droga na hindi masawata bagkus lalong papalaking mga kargamento ng ipinagbabawal na shabu ang nakapupuslit sa mismo harapan ng ilong ng ating mga tagapangalaga at inspector sa BOC.
Ang mga nabanggit kaya na dahilan ay sapat upang magdeklara ng Martial law?
Ano ano ang maaring maging negatibong dulot nito sa bayan, kabuhayan at sa ekomiyat politikal na kalagayan ng bansa kapag ipinatupad ito.
Unang una na mawawala ay ang ating kalayaan magpahayag ng ating mga hinaing at pagtutol sa gawain at polisiya na hindi pabor sa mamayan.
Pangalawa ay ang lalong paglala ng karahasan may kinalaman sa karapang pantao sa maaring pagsagawa ng mag kinauukulan sa pagtugis o paghuli sa mga indibidwal na hindi sumasang-ayon at kritiko sa administrasyon.
Ang mabigat nito kapag wala na ang tinatawag na "check and balance" na iiral upang mabantayan maagapan ang anumang pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan-- dito na papasok ang pagsasamantala sa kaban ng bayan at mga lihim na transaksyon pang-salapi, paggamit ng pondo ng bayan sa mga pansariling interes o pagpapalago ng kanikanilang yaman gamit ang makinarya impluwensiya ng gobyerno.
Isa pa sa pinakamalaking kamalian at pagkakasala noong Martial law ni dating Diktador Marcos ay ang pagkalipol o sabihin na natin pagpuksa sa mga intelektuwal, marurunong, matatalino sa ating mga kabataan noong panahon na yaon na maaring maulit kapag ipinatupad muli ang batas militar na ito na sisikil at pipigil sa ating kalayaan sa pamamahayag sa katarungan at karunungan. Kung sa english pa "brain drain" ang tawag nila dun.
Kung ang mga dambuhalang negosyo o mga 'entrepreneurs' ay naghahanap at nang-aakit ng mga marurunong at may mga pambihirang galing at talino. Kabaliktaran naman ang ginagawa ng mga politikong diktador na nasa kapangyarihan --- ang mga intelektuwal at mga may angking dunong ay ipinadudukot ipinapakulong ang iba ay tuluyan pa na pinapatay dahil sa tingin ng diktador itong mga tao na ganito ay magiging sagabal sa kanyang ambisyon at kapangyarihan. Kayat ang mga may maiiaambag sana ay nakukulong, pinapatay, namumundok, o nangingibang bansa na lamang tuluyan. Ang iba naman tuluyan nalang nanahimik.
Papayag ba tayo na babalik na naman tayo sa madilim na kasaysayan na iyon? Babalik tayo sa 'square one' o 'back to zero' na naman kapag ibinaba ang pinangangambahan ng mga kritiko na pagyurak sa ating mga pangunahing karapatan kagaya ng atin kalayaan ng pamamahayag at pagtutol sa kawalan ng katarungan sa pagpapatupad ng batas na kung saan ang mga kadalasan kawawang biktima ay mga hikahos at pangkaraniwang mamamayan.
Nakakabahala at nakakalungkot isipin na marami sa atin ang nagwawalang bahala at natutuwa pa na mabigyan pa ng karagdagang kapangyarihan ang lubos labis labis na ang kapangyarihan na magiging daan sa ibayong pang-aabuso at pagsasamantalab.
Sabi pa sa english " Absolute power corrupts absolutely".
Image photo credit to owner
No comments:
Post a Comment