Showing posts with label Philippine politics. Show all posts
Showing posts with label Philippine politics. Show all posts

Monday, January 22, 2018

Walang Pagkakaisa

Bakit lubhang mailap ang pagkakaisa sa ating mga Pilipino?
Hindi ko matandaan ang nagwika sa kasabihan sa english' -- United we stand, Devided we fall !!
Maaring isa itong 'motto ng US of A noong nag-uumpisa pa lamang magbigkis at pag-isahin ang maraming mga bansa o Estado ng US.
Kapag wala nga namang pagkakaisa, saan at ano kahahantungan ng isang independente kuno na bansa.
Paano nga ba at ano ang nararapat gawin upang makamit at tuluyang maging isa magkaisa magbigkis na iisa ang layunin na mapangalagaan ang interes kapakanan ng bansa lalo ng nakararaming Pilipino.

Hindi maikakaila na ang mga dayuhan o ibang bansa na may interes o pakay sa likas yaman ng LuzViMinda ay labis na ikinagagalak at maaari pa nga na tumutulong sa lalong pagkaka watak-watak o kawalan ng pagkakaisa at maayos na lideratot pamamaraan ang bansa sa larangang ekonomiyat politikal nito.

Kayat paano nga ba ?
Maski saan at anong isipin mukhang imposible at halos wala ng paraan o magagawa upang isakatuparan o makamit ang tunay na pagkakaisa ng mga mamamayan ng Lupang Hinirang.

Kayat minsan sa isang pangkaraniwang mamamayan 'hopeless na ika nga, isa ng napakalubhang sakit na maituturing na 'cancer at wala ng lunas. Sa pangkaraniwang tao na maski pa sabihin may masidhing pagkamakabayan maaring isipin pag-aaksaya na lamang ng panahon ang pagtuunan pa ng pansin ang mga usaping politikal at pangEkonomiyang usapin pumupulupot sa InangBayan. Kumbaga, maige pang isipin na lamang pansariling interes sumakay sumabay sa agos at tugtog ng anumang kasalukuyang kalakaran sang-ayon man o hindi.
Isipin na lamang kung paano yumaman at magkamal din ng limpak na salapi ng mabigyang kasiyahan ang sarili at mga mahal sa buhay.

Subalit may natitira pa nga bang prinsipyo't kaisipan na huhugot sa pilosopiyang pinoy. Sapagkat ang lahing Pilipino ay halos sanggol at musmos pa lamang na patuloy na idinuduyan ng mga pagsubok at masalimuot na mga suliranin sa pakikibaka sa buhay. Kung kayat madaling nalilihis napagsasamantalahan na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pagwawalang bahala-- bahala na ! Ika pa ng karamihan sa atin.

May kakayahan pa nga bang mangarap at magsakripisyo ng higit pa ang lahing Pinoy na mapagdugtong-dugtong at gawing tulay ang mga balakid upang makamit ang mailap at madulas na minimithi -- Ang Pagkakaisa !

Kakayanin at mabubuhay kaya ang madlang pipol ng LuzViMinda kung pansamantala magsasarado sa kalakalang pandaigdig o pakikipag-ugnayan sa ibang bansa lalo sa mga mapagsamantala at mga nang-aabuso lamang upang linangin ang likas yaman na dapat sana tayo mismong mga Pilipino ang higit na nakikinabang. O makipag-ugnayan lamang sa pilingPili na mga bansa na may kaparehong pangangailangan at interes na pinapangalagaan.
Lubhang imposible ngunit kung sususriin isa sa pinakaEpektibong paraan ay ang pagsasarado sa impluwensiya ng mga dayuhang bansat banyaga.
Ginawa ito ng bansang Hapones noong ang bansa nila ay labis din na watak-watak sanhi ng mga tribu-tribu (warlords) na umiiral noon sa kanila na puro kaguluhan ang idinudulot sanhi nga sa kawalan ng pagkakaisa bilang isang bansa. Na kung hindi tayo namamali ay halos umabot ng isandaan taon bago sila tuluyang nagbukas sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan at kalakalan, ngunit lubhang mapagkit sobrang dikit na na nagkakaisa na sinamahan pa ng edukasyong lubhang makabayan at walang ibang pangunahin uunahin kundi interes at kapakanan mg bansa nito.

Kapag walang pagkakaisa, maski anong reporma o sistema patuloy at paulit ulit lamang ang kalakaran kaganapan mangyayari at sa bandang huli maari pang kahantungan ay huli na ang lahat nakupkop o nasakop na muli tayo ng mga banyagat ginawang mga alipin na lamang. Sabagay maski sa kasalukuyang ekonomiyang umiiral...halos nasakop o nakupkop na tayo sa larangang ekonomiyat pagKontrol at poder ng mga banyaga.

Tanging pagkakaisa at angkop na karunungan o edukasyong makaPilipino na mangangalaga sa interes at kapakanan ng nakararami ang pag-asa ng Lupang Hinirang !!

Saturday, January 20, 2018

Ang Rebolusyon

Ano ang rebolusyon?

Ang salitang rebolusyon ay katagang halos maiihambing mo sa salitang diyos na parati na natin naririnig o ginagamit sa ibat ibang paghahayag pang-aakit pangkumbinsi sa larangan ng komersiyo (kalakalan) at lalo higit sa ekonomiya at politika.

Kapag sinabing rebolusyon, ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan nito, yung orihinal na ibig sabihin at katuturan?
Ang rebolusyon ay pakay ang malaking pagbabago o ideya na makabago na pagmumulan ng malawakang pagpapalit ng kaisipan, pamamaraan, pagbalangkas sa mga lumang nakagawian paniniwalat gawain ng nakararami na magdudulot ng kabutihan kasaganaan at pag-unlad ng isang lipunang ginagalawan.

Ngayon, marami sa atin mapaKomersiyo na larangan at lalo sa larangang politikal ay madalas ipinangangalandakan ang rebolusyon subalit kung papansinin maige wala naman talaga malawakang pagbabago o ideya na isinusulong kung hindi magpalit lamang ng mga pangalan o sistematikong katawagan ngunit ang sistema o kalakaran ay ganun parin naman na paiiralin.
Kumbaga nilalansi dinadaya panglilitot pangguguyo lang naman pala at walang ibang pakay kung hindi mga pansariling interes. Pagpapalawak ng kanikanyang kapangyarihan at impluwensiya upang lalong mapanghawakan at kontrolin ang mga nasasakupan nito sa patuloy na pagsikil pagpapanatili sa kawalan ng kapangyarihan ng masa o nakararami.

Isang halimbawa ng matagumpay na rebolusyon ay ang inilunsad ni Mao Tse Tung ng Tsina na nagpatalsik sa makalumang Imperyalistang Tsina.
Na isinakatuparan ang mga hakbang at pamamaraang kakaiba sa ekonomiyat politikal na kalakaran nito. Kumunista ngunit sinamahan din ang pagsusulong ng pamamaraan kapitalista upang sumabay sabayan ang malawakang pandaigdigang "industrial revolution". Pinagsikapan, naglatag nagtatag ng pang-matagalan (LONG-TERM na mga plano o BLUEPRINT) na pamamaraan at plano at ngayon nga isa na sa matagumpay at ganap na industriyalisadot makapangyarihan na bansa ito.

Ngayon, bigyan pansin at samahan ng kapirasong pag-aanalisa ang pag-iingat sa mga isinusulong ng ating mga politikong nasa kapangyarihan na ginagamit ang salitang 'Rebolusyon', ang bukambibig na RevGov, at pagpipilit na baguhin ang saligang batas .
Dito ba may kakikitaan tayo ng mga kakaibang ideya na magtutulak sa bansa tungo sa pagiging maunlad at industriyalisadot independenteng bansa sa pananalapi at husay galing sa mga pansariling industriya.
O puro mga planong lipad-hangin na puro lamang pagpapalit pangalan. Walang pundasyon o pangmatagalan na plano na maski magpalit palit man ng mga lider ay patuloy na maisasakatuparan.
Ang rebolusyon o malaking pagbabago ay nararapat kinasasangkutan ng isang matapat na ideyang naglalayon ng totoong pagsulong tungo sa makabuluhang pagbabago hindi puro salita lamang at mga pangakong. napapako na gawa gawa lamang ng mga bayarang manunulat na gumagamit ng makukulay na salitang mapang-akit ngunit sa likod nito ang mga lihim na pagpapanggap isakatuparan mga ambisyong pansarili lamang kasama ang mga buwitreng hayuk sa limpak na salapi na makukulimbat sa kapangyarihang magbibigay sa kanila ng walang humpay na panggagahasa at pagsasamantala sa kahinaan ng masa o sa nakararaming hikahos at walang kaalam-alam sa laro ng ekonomiyat politikal na kalakaran.

Kung kaya't marapat lamang maging kritikot mapag analisa, mapagmatyag, bantay sarado lalo na sa saligang batas upang mapangalagaan ang ating mga karapatan, ang likas yaman at higit sa lahat ang matuldukan ang paulit-ulit na lamang na panggagamit pagsasamantala ng mga beteranong politikong ginagawang negosyo, gatasan palabigasan ang kaban ng bayan.
Nasasayang lamang ang kapangyarihang politikal na ipinagkakaloob pinagkakatiwala natin sa mga politikong walang ginawa kundi magDramat bolahin mangulimbat (mangumisyoun konsumisyon) sa pondo ng bayan kasabay kasabwat ng kanilang mga maEmosyon na panlilinlang panlilito na puno ng kasinungalingan makuhat maangkin lamang nila mga maitim na adhikaing minimithi.

Hanggang kailan magbibingi-bingihan at magiging bulag na dilat ang mata tila pipi na walang boses magsalita upang isigaw na Tama na! Sobra na ! Palitan na!  Ang mga lider na huwad at nagsasamantala lamang !
Sana isang umaga magising tayo na NAGKAKAISA upang walisin, tuldukan ang mga politikong pulpol sa ating bayan.
At nawa'y masilayan natin ang bukang liwayway, liwanag ng totoong pag-unlad kasaganaan kapayapaan sa Lupang Hinirang....

Thursday, September 21, 2017

Kamay na Bakal

May mga kababayan tayo na pumapanig o sumasang-ayon sa pagdedeklara ng batas militar. Ibat-ibang dahilan pangunahin sa kanilang pagsuporta nito ay upang ang kanilang pinapanginoon na lider ay madagdagan ang kapangyarihan at tuluyan ng manahimik ang mga bumabatikos nito.

Mas magkakaroon daw ng  disiplina ang mga tao at mapapabilis daw ang pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran na itinataguyod ng kasalukuyang administrasyon.
Isa din dahilan ay banta daw ng terorismo at kumunista na maghahasik daw ng kaguluhan sa buong kapuluan. At panghuli ay ang banta at lalong lumalalang paglaganap ng salot na droga na hindi masawata bagkus lalong papalaking mga kargamento ng ipinagbabawal na shabu ang nakapupuslit sa mismo harapan ng ilong ng ating mga tagapangalaga at inspector sa BOC.

Ang mga nabanggit kaya na dahilan ay sapat upang magdeklara ng Martial law?

Ano ano ang maaring maging negatibong dulot nito sa bayan, kabuhayan at sa ekomiyat politikal na kalagayan ng bansa kapag ipinatupad ito.

Unang una na mawawala ay ang ating kalayaan magpahayag ng ating mga hinaing at pagtutol sa gawain at polisiya na hindi pabor sa mamayan.

Pangalawa ay ang lalong paglala ng karahasan may kinalaman sa karapang pantao sa maaring pagsagawa ng mag kinauukulan sa pagtugis o paghuli sa mga indibidwal na hindi sumasang-ayon at kritiko sa administrasyon.

Ang mabigat nito kapag wala na ang tinatawag na "check and balance"  na iiral upang mabantayan maagapan ang anumang pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan-- dito na papasok ang pagsasamantala sa kaban ng bayan at mga lihim na transaksyon pang-salapi, paggamit ng pondo ng bayan sa mga pansariling interes o pagpapalago ng kanikanilang yaman gamit ang makinarya impluwensiya ng gobyerno.

Isa pa sa pinakamalaking kamalian at pagkakasala noong Martial law ni dating Diktador Marcos ay ang pagkalipol o sabihin na natin pagpuksa sa mga intelektuwal, marurunong, matatalino sa ating mga kabataan noong panahon na yaon na maaring maulit kapag ipinatupad muli ang batas militar na ito na sisikil at pipigil sa ating kalayaan sa pamamahayag sa katarungan at karunungan. Kung sa english pa "brain drain" ang tawag nila dun.

Kung ang mga dambuhalang negosyo o mga  'entrepreneurs'  ay naghahanap at nang-aakit ng mga marurunong at may mga pambihirang galing at talino. Kabaliktaran naman ang ginagawa ng mga politikong diktador na nasa kapangyarihan   ---  ang mga intelektuwal at mga may angking dunong ay ipinadudukot ipinapakulong ang iba ay tuluyan pa na pinapatay dahil sa tingin ng diktador itong mga tao na ganito ay magiging sagabal sa kanyang ambisyon at kapangyarihan. Kayat ang mga may maiiaambag sana ay nakukulong, pinapatay, namumundok, o nangingibang bansa na lamang tuluyan. Ang iba naman tuluyan nalang nanahimik.

Papayag ba tayo na babalik na naman tayo sa madilim na kasaysayan na iyon? Babalik tayo sa 'square one' o 'back to zero' na naman kapag ibinaba ang pinangangambahan ng mga kritiko na pagyurak sa ating mga pangunahing karapatan kagaya ng atin kalayaan ng pamamahayag at pagtutol sa kawalan ng katarungan sa pagpapatupad ng batas na kung saan ang mga kadalasan kawawang biktima ay mga hikahos at pangkaraniwang mamamayan.

Nakakabahala at nakakalungkot isipin na marami sa atin ang nagwawalang bahala at natutuwa pa na mabigyan pa ng karagdagang kapangyarihan ang lubos labis labis na ang kapangyarihan na magiging daan sa ibayong pang-aabuso at pagsasamantalab.

Sabi pa sa english " Absolute power corrupts absolutely".

Image photo credit to owner

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq