Posted at definitelyfilipino.com blog online
Pilipinas: Bakit mahirap na bansa?
Ganito ang magandang tanong!
paano at bakit ang mga malalaking korporasyon at mga kilalat dambuhalang negosyo ay nagtatagumpay.
??
Ganun din bakit at paano ang USA ay naging isang superpower at napakaIndustriyalisado na bansa??
Bakit??
Ilan sa pangunahin dahilan ay:
Ang mahuhusay na negosyante o 'entrepreneurs ay napapaikutan ng mga trabahador empleyado na pinakamahuhusay matalino mdunong highly skilled human resources. Nagha-hire yan sila, nag e-scout ng 'most brightest brains skilled persons around the planet earth(hehehe).😊
Ang USA naman halos puro immigrant naman ang tao dyan. Sabi pa ni Physicist Michio Kaku ang US ay mayroon "Genius visa" na tinatawag na kun saan ay parang nag e-scout o nghahanap din sila ng may pinakaMaabiladad na mga tao sa buong mundo--halimbawa ikaw ay scientist e iimbitahan kukunin ka nila at automatic US citizen ka kasama pamilya mo with all the perks & privileges. Kaya hindi sila ngkakaroon ng 'brain drain kumbaga..
Ngayon alamin naman natin kalakaran ng gobyerno natin. Gawin natin halimbawa ang pinakasikat pinakamatalino daw na lider ng bansa si dating Prez. Ferdinand E Marcos.
Noong ideklara nya ang martial law na naging dahilan para sya na maghari sa buong kapuluan.
Ano ang nangyari? May pagkakahawig ba sa mga nabanggit ko sa taas?
Ang ginawa ni Marcos at ng kanyang mga alipores hinanting pinaghuhuli ipinakulong tinurture ang iba napatay, ang iba naman namundok nalang at ang sinuerte nakaalis ng bansa nanirahan ng tuluyan sa ibang bansa. Meron din marahil nanahimik nalang hindi na nakialam. Ang tinutukoy ko dito mga 'Filipino brains critical thinkers supposedly' (UP students & other intelectuals) mga diktador kasi parang na 'intimidate yan sa mga taong may angking karunungan para bng ngseselos magkaroon siya kaagaw sa kapangyarihan(insecure).
So, ano mangyari pag takutin ipakulong patayin ang mga kritiko at may angking karunungan. Ano matitira sa atin?
Gay-on po mga kabayan mga bes ang mangyayari kapag hinayaan natin ng sobra sobra (martial law) powers' ang ating mga lider politiko--malalagay sila sa malaking tukso na abusuhin ang labis labis na kapangyarihan.
Dapat sana ay ganito:
Mahalaga (priority) magkaroon ang gobyerno ng permanenteng pngmatagalan (long term) na plano o 'blueprint' na maski magpalit-palit araw-araw😊 ng presidente o mga lider yun at yun ang susundin at isasakatuparan.
Mayroon tayo halos mahigit 105 milyon Pilipino (population) ---hanapin ipunin linangin dapat ang may mga pambihirang dunong especial skill at ilagay sa dapat kalagyan upang makatulong sa mga programang pangkaunlaran.
Ang yaman-tao(human resources) ang pinakamalagang yaman ng alinmang bansa gaya nalang halimbawa ng bansang Japan halos kulang kulang ang likas yaman (natural resources) ngunit hindi ito naging hadlang dahil sa paglinang nila ng husto sa potensyal ng yaman-tao at napakataas na kalidad ng pilosopiya o edukasyon....
Hanggang sa susunod na kwentuhan sa barberya...sana magustuhan ang mga mumunting pangkariwang kaisipang awtomatik😊
Image credit to Pexels
No comments:
Post a Comment