Ang Tsina ngayon ay isa ng SuperPower. Maihahalintulad na sa US na nakikialam sa ibang mga bansa lalo sa mga mga mahihina o 'developing countries' , gumagawa pamamaraan upang may paglagakan ng kanilang 'surplus capital' , sangkaterba sandamakmak na mga produkto.
Halos lahat na ng produktong 'mass produced' mula sa pangkaraniwan hangga sa pinakaSopistikadong kagamitan makinarya ' from software hardware and heavy industries mayroon na sila nito...pati pangkalawakan, mga sattelites, space exploration research' name it China has it already !!!
Dagdag pa ang pangangailangan ng mga hilaw na materyales at enerhiya na lubhang kailangan sa lomolobong ekonomiya at mga industriya nito.
At halos lahat ng bansa sa buong mundo ngayon pinapasok nakikipag-ugnayan sila pabor sa kanilang interes. Magmula Asya, Africa, Europa, Americas lahat lahat...
Sa atin pa kaya na napakalapit natin, at alam kung gaano kayaman sa likas-yaman ang Pilipinas !
Madalas gawing halimbawa ang sinapit ng bansang Sri Lanka sa pakikipag-ugnayan tanggap tulong utang nito sa China na kung saan malulugmok malulubog sa utang ang nasabing bansa na labis magkakaroon nagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya kalakaran nito.
At tiyak panigurado ganun din ang kahahantungan ng Bayang Magiliw nating Pilipinas kung hindi maagapan ito.
Kayat hindi nakapagtataka na magbigay tulong makialam ito sa politikal na aspeto sa mga bansang may kapakinabangan na nakikita ito.
Halimbawa na lamang sa ' national elections' sa bansa natin, kumbaga maagap nila pag-aaralan ang mga lider na maaari makatulong sa kanilang interes at susuportahan nila ito sa anumang paraan upang magwagit manalo ng sa ganun mahawakan nila ang renda o lubid kung saan mapapasunod nila sa kanilang mga mithiin hangarin ng wala gaanong tutol o pahirap.
Kayat sa isang bansa kagaya ng Pinas na sadyang lubhang mahina at kulang sa kaalaman ang karamihan sa madlang pipol dagdag pa na kilala sa kawalan ng pagkakaisa lalo pat' sa dinamidami ng ibat ibang sekta ng relihiyon na malimit napagsasamantalahan nagagamit sa politika.
Ang tanong : Paano nga ba maiiwasan na makupkop o makontrol ang ekonomiya ng bansa ? O maiwasan ang pagiging palaasa sa mga dambuhala o makapangyarihang bansa?
Kagaya ng paulit ulit na lamang nating bukambibig---walang ibang dapat puntahan tahakin kundi ang pagpupunyagi na maging isa ring industriyalisadong bansa !
Ang masaklap, mulat sapul wala pang nakatuntong sa pedestal ng kapangyarihan sa kasaysayan ng politika sa atin na ang pangunahing plataPorma deGobyerno ay maging industriyalisado o maging tunay na independente ang bansa.
Karamihan sa ating mga politiko ay panay salita at planong lipad hangin lamang, ningasKogon. Ang kailangan ng bayan ay matibay na pundasyon at planong pangMatagalan (long-term Blueprint) kung saan maski magpalit palit ng mga liderPinuno ay patuloy itutuloy isasakatupan anuman ang mangyari gagawin at gagawin ang mga programang pangIndustriyalisasyon pangkaunlaran !
Walang imposible, napakayaman sa likas at yamanTao ang Lupang Hinirang.
Sa halos 105Milyones katao na populasyon ng bansa, ipunin hanapin kupkopin linangin ang mga tao na may angking dunong talento 'special skills' gamitin pakinabangan upang maisakatuparan mga programang pangkaunlaran.( lahat ng maunlad na bansa ganyan lang ang ginawa ginagawa--fully use the full potential of human resources)
Kung sa larong 'basketball' nga, ang mga prangkisa nito ay nag e escout nghahanap sa buong kapuluan ng mga pinakamahuhusay na manlalaro.
Ano pa kaya sa usapingPang-industriya?
Ang ginagawa ng ating mga beteranong politikong pulpol ay hanapin kanilang mga dating kaKlase, ka-Bro, kainuman, barkada, kumare, kapitbahay mga pinagkaka-utangan ng Utang na Loob na mga sip-sip ngunit kulang kulang walang kakayahan o maiitutulong mga walang ideyat makabuluhang kaisipang maiaambag sa Bayan. Kayat anong aasahan natin ?? Patuloy na umiiral na bulok na sistema puno ng kurapsiyon, mga politikong buwayat buwitre puro pagnanakaw pagpapayaman ginagawang negosyo ang serbisyoPubliko walang pinagkaiba sa ating mga 'bradcastMedia' na ginawa naring negosyo at nagsasamantala tumutulong pagpapakalat mga pekeng balita dahil sa mga tinatanggap natatanggap nitong PAYOLA sa mga politikong sakim sa kapangyarihan !!