Bakit lubhang mailap ang pagkakaisa sa ating mga Pilipino?
Hindi ko matandaan ang nagwika sa kasabihan sa english' -- United we stand, Devided we fall !!
Maaring isa itong 'motto ng US of A noong nag-uumpisa pa lamang magbigkis at pag-isahin ang maraming mga bansa o Estado ng US.
Kapag wala nga namang pagkakaisa, saan at ano kahahantungan ng isang independente kuno na bansa.
Paano nga ba at ano ang nararapat gawin upang makamit at tuluyang maging isa magkaisa magbigkis na iisa ang layunin na mapangalagaan ang interes kapakanan ng bansa lalo ng nakararaming Pilipino.
Hindi maikakaila na ang mga dayuhan o ibang bansa na may interes o pakay sa likas yaman ng LuzViMinda ay labis na ikinagagalak at maaari pa nga na tumutulong sa lalong pagkaka watak-watak o kawalan ng pagkakaisa at maayos na lideratot pamamaraan ang bansa sa larangang ekonomiyat politikal nito.
Kayat paano nga ba ?
Maski saan at anong isipin mukhang imposible at halos wala ng paraan o magagawa upang isakatuparan o makamit ang tunay na pagkakaisa ng mga mamamayan ng Lupang Hinirang.
Kayat minsan sa isang pangkaraniwang mamamayan 'hopeless na ika nga, isa ng napakalubhang sakit na maituturing na 'cancer at wala ng lunas. Sa pangkaraniwang tao na maski pa sabihin may masidhing pagkamakabayan maaring isipin pag-aaksaya na lamang ng panahon ang pagtuunan pa ng pansin ang mga usaping politikal at pangEkonomiyang usapin pumupulupot sa InangBayan. Kumbaga, maige pang isipin na lamang pansariling interes sumakay sumabay sa agos at tugtog ng anumang kasalukuyang kalakaran sang-ayon man o hindi.
Isipin na lamang kung paano yumaman at magkamal din ng limpak na salapi ng mabigyang kasiyahan ang sarili at mga mahal sa buhay.
Subalit may natitira pa nga bang prinsipyo't kaisipan na huhugot sa pilosopiyang pinoy. Sapagkat ang lahing Pilipino ay halos sanggol at musmos pa lamang na patuloy na idinuduyan ng mga pagsubok at masalimuot na mga suliranin sa pakikibaka sa buhay. Kung kayat madaling nalilihis napagsasamantalahan na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pagwawalang bahala-- bahala na ! Ika pa ng karamihan sa atin.
May kakayahan pa nga bang mangarap at magsakripisyo ng higit pa ang lahing Pinoy na mapagdugtong-dugtong at gawing tulay ang mga balakid upang makamit ang mailap at madulas na minimithi -- Ang Pagkakaisa !
Kakayanin at mabubuhay kaya ang madlang pipol ng LuzViMinda kung pansamantala magsasarado sa kalakalang pandaigdig o pakikipag-ugnayan sa ibang bansa lalo sa mga mapagsamantala at mga nang-aabuso lamang upang linangin ang likas yaman na dapat sana tayo mismong mga Pilipino ang higit na nakikinabang. O makipag-ugnayan lamang sa pilingPili na mga bansa na may kaparehong pangangailangan at interes na pinapangalagaan.
Lubhang imposible ngunit kung sususriin isa sa pinakaEpektibong paraan ay ang pagsasarado sa impluwensiya ng mga dayuhang bansat banyaga.
Ginawa ito ng bansang Hapones noong ang bansa nila ay labis din na watak-watak sanhi ng mga tribu-tribu (warlords) na umiiral noon sa kanila na puro kaguluhan ang idinudulot sanhi nga sa kawalan ng pagkakaisa bilang isang bansa. Na kung hindi tayo namamali ay halos umabot ng isandaan taon bago sila tuluyang nagbukas sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan at kalakalan, ngunit lubhang mapagkit sobrang dikit na na nagkakaisa na sinamahan pa ng edukasyong lubhang makabayan at walang ibang pangunahin uunahin kundi interes at kapakanan mg bansa nito.
Kapag walang pagkakaisa, maski anong reporma o sistema patuloy at paulit ulit lamang ang kalakaran kaganapan mangyayari at sa bandang huli maari pang kahantungan ay huli na ang lahat nakupkop o nasakop na muli tayo ng mga banyagat ginawang mga alipin na lamang. Sabagay maski sa kasalukuyang ekonomiyang umiiral...halos nasakop o nakupkop na tayo sa larangang ekonomiyat pagKontrol at poder ng mga banyaga.
Tanging pagkakaisa at angkop na karunungan o edukasyong makaPilipino na mangangalaga sa interes at kapakanan ng nakararami ang pag-asa ng Lupang Hinirang !!