Monday, January 15, 2018

Guro at Edukasyon : Susi sa Pag-unlad

Nagiging isyu sa kasalukuyan ang ang dagdag pasahod sa mga kawani ng pamahalaan.
Pasahod sa mga kapulisan na tagapagpasunod ng batas at nangangalaga sa 'peace and order ng ating pamayanan ganun din naman sa ating mga magigiting na sundalo ng Sandatahang Lakas ng Bansa.

Hindi nakapagtataka kung uunahin o mas bibigyan prayoridad ang pagpapataas pasahod sa mga kawani ng Puwersang Sandatahang Lakas at sa Pambansang Kapulisan (PNP) dahil ito ang sasandalan ng alinman o sinumang pinunot lider sa sandaling may mga krisis pampulitika ng mga nasa kapangyarihan.

Subalit kung may malasakit at tunay na may mabuting pakay na maisulong ang pangmatagalan na pag-usad tungo sa pag-unlad, dapat unahin at maging prayoridad ang pagpapataas ng kalidad at husay kagalingan walang iba kundi ang ating edukasyon. Ang mabalasa ng husto sa matuwid, makabuluhan at mga napapanahon na mga aralin na huhubog sa ating mga kabataan na pagmumulan ng mga responsableng pinunot lider na maaasahan tungo sa tunay na pagbabago sa mga maling kulturat kaugalian, kaisipan, paniniwala na mga nakasanayan sa ating lipunan.

At dito nga pumapasok ang usaping pagbibigay prayoridad na unahin taasan ang pasahod sa ating mga mahal na mga pampublikong guro't mangangaral o Public School Teachers'.

BAKIT ? Dapat maging prayoridad ang edukasyon !
Una, maski saang anggulo tingnan, tanging edukasyon -- mataas na antas na edukasyon ang magtutulak at magiging tulay upang magapi matuldukan malampasan ang labis labis na kahinaan kamangmangan kakulangan disiplina na lubos na kailangan sa tunay na pagbabago't pag-unlad, kapayapaan at kasaganaan ng bansa.

Pangalawa, kapag nagkarun ng mataas na pasahod ang ating mga pampublikong mga guro ay tiyak na aakit ito sa ating mga matatalinot marurunong sa ating mga kabataan. Isipin na lamang kung ang pasahod sa isang pangkaraniwang guro nag-uumpisa sa halagang limampung libo(50,000) peso hanggang isandaan at dalawmpung libong (120,000) ka pesos kada buwan.
Aywan ko nalamang kung hindi maakit ang ating mga maabilidad na kabataan na puntiryahin ang propesyon ng pagtuturo.

Pangatlo, hanapin magsaliksik ng mga tao at karunungan o bumuo ng grupo ng mga makabayang Pilipino na bubuo uukit ng mga pamantayan at araling lubos na kapakipakinabang na magsusulong at gabay sa patuloy na paglinang sa mga araling magbibigay pundasyon sa karunungan ng lahing Pilino sa kasalukuyan at sa mga darating pang panahon.

Dapat din naman unti unti o maski biglaan bigyan ng pagsusulit ang kasalukuyang mga guro upang malaman ang mga karapatdapat manatili at ang hindi makapasa bigyan ng karampatang pabuya o 'early retirement benefits'.

Kapag mahina, may kakulangan ang edukasyon ng bayan-- awtomatikong nagiging mahina din  naman ang bansa.
Kung anong mga pinunot lider mayroon tayo, ito ay nagsasalamin lamang sa kung ano at sino tayo. Lubhang napakalayo natin sa gawaing pamamaraang pangEkonomiya sa mga industriyat palit kalakal sa ibat ibang  bansa lalo na sa mauunlad.

Ang kahinaan sa pagpili at pag-akit sa ating mga may karunungan at kakayahan lumahok sa mga politikal na larangan gaya sa halalan o eleksiyon ay nakasalalay parati sa kakayahan sa karunungan ng mga mamamayan nito na kung saan karamihan ay tinaguriang mga "Bobotantes" o bumubuto't pumipili dala sa kasikatan, impluwensiya ng salapi at mga gawa-gawang kuwentot propagandang mapanlinlang umaakit sa emosyon at kahinaan ng nakararami sa ating mga kababayan.

Marahil at panigurado, kung mayroong gagawing makabuluhang pagbabago o rebolusyon walang ibang pinakamandang pagmulan kundi sa pag-ukit, paghubog ng sistema ng edukasyon na napapanahon at angkop sa pangangailangan  na mangangalaga sa interes o kapakanan ng bansa.

Habang ang umiiral na edukasyon ay di angkop, may kakulangan at kahinaan sa kalidad, patuloy na magiging lumpo ang ekonomiyat politikal na kalakaran ng bansa.

" A country without quality education will always be in shambles"

awtomatik

Makabayang Kuwentong Pilosopo

Kapag pilosopiya, pilosopo, pamimilosopo ang paksa na pag uusapan, dito umuusbong ang maraming katanungan. Ang mga tanong na bakit? 

Na maaring dugtungan ng ano? At paano?

Ngunit alas, ang salitang pilosopo sa mga pinoy ay matagal ng nabalahura o sinadyang ibalahura upang mandiy' iligaw sa wastong kaalaman karunungan kamalayan ang lahing Pilipino....

Kung susuriin at babaybayin ang ang kasaysayan ng sangkatauhan lahat halos ng karunungat kaalaman ay nag-ugat nagmula sa mga turo pangaral ng mga likas na tagapagturo o mga Pilosopo noong unang panahon, kagaya na lamang nina Socrates, Plato at Aristotle noong panahon ng mga Griyego. Ni Lao Tsu, Cofucius ng Tsina at napakarami pang iba na likas na mangangaral o kung tawagin ay mga "philosopher" o 'natural born teachers' .

Sa 1st World' o mauunlad na bansa ang mga pangaral ng mga pambihirang bantayog na ito ang nagiging gabay nila sa pagbuo ng edukasyon na nagbibigay ng sapat na pundasyon at haligi upang ang mga mamayan nito ay mahubog sa mataas na antas ng karunungan kung kayat lubos na napangangalagaan ang kapakanan interes ng bansa nito mapaEkonomomiya  o politikal man.

Isa sa mga katanungan ay ganito ?
Bakit sa kabila ng pagkakaroon natin ng maraming mga institusyon pangkarunungan o mga Unibersidad at napakarami nating matatawag na mga edukadong mamamayan ay tila patuloy na lugmok na wariy nakabaon sa kumunoy ang ekonomiyat politikal na kalagayan ng napakayamang bansa ng Pilipinas kung likas yaman at yaman -tao din lamang ang pag-uusapan??

Ang simpleng kasagutan ay dahil nga sa matagal ng patuloy na umiiral na kakulangan at kamalian sa edukasyon o pilosopiya na itinuturo sa paghubog sa karunungan  ng ating kabataan mamamayan at lahat lahat na !!!

Maaring sabihin...ikaw, (ako yun) nasasabing hindi wastot may kakulangan ang edukasyon ng bayan natin ay dahil sa ikaw ay bulakbol at hindi nakapagtapos sa kolehiyo, na hindi isang propesyunal ay idinadahilan na lamang ang ganyan upang gawing alibi' o paninising dahilan sa iyong personal na kabiguan sa buhay. ( LOLS)

Ngunit anupaman ang ating pananaw, tingnan at aminin natin ang patuloy na kahinaan sa kapangyarihan ng ating mga mamamayan o madlang pipol' na patuloy mandiy' napaglalaruan nalolokot naguguyo lamang ng ating mga ganid sa kapangyarihan na mga beteranong Politiko na wala naman talaga ginawa kundi utuin ang marami sa ating mga kababayan.

Maski saan anggulo natin tingnan lubhang napakahalaga ng wastong kaalaman o edukasyon. Yung kamalayan o 'awareness' na tinatawag. Kapag sablay na edukasyon ay parang 'domino effect' na yan, walang katapusan at patuloy na pagsablay ang kahahantungan nyan.
Tingnan natin ang patuloy na kawalan natin ng mga totoong responsable o maasahan na mga lider politiko natin.
Maski sino na lang pwedi mamulitika o pumasok sa politika.
Bastat sikat, mahusay mambola gumawa ng mga kasinungalingan at kuwentong Barberong Baliko pwedi na lalo kung mapera't maraming koneksiyon, tuso't mandarayat mandarambong...yan po mga kababayan ang ilan lamang sa mga kuwalipikasyon sa pagpasok sa politika sa ating mahal na Bayang Magiliw .

Kung sa maunlad na bansa kaya gaya ng Taiwan, Japan o South Korea uubra ba ang mga kagaya sa mga politiko natin...pihadong hindi ! dahil ang mamayan nila maski elementary o high school graduate lamang sa kanila ay nahubog nga sa wastong edukasyon na kung kayat nalalaman nauunawaan kung sino mga dapat karapatdapat makibahagi sa larangan ng politika.
Kaunting kapalpakan lang sa kanila kailangan baba kana sa pwesto agad at napakalaking kahihiyan na sa kanila ang ganun.
Kabaliktaran sa ating mahal na bayan. Maski isinuka na ng lipunan dahil sa pandarambong pagnanakaw sa kaban ng bayan at sangkaterbang katiwalian patuloy parin tinatangkilik at nakakabalik pamumulitika at nakikipagsabwatan alyansa pa sa mga kapwa ganid at ilan dekada ng nagsasamantala sa kahinaan ng ating mga pobre mamamayan na karamihan nga mga kulang kulang sa kaalamang POLITICAL.
Minsan totoong masakit pakinggan at tanggapin subalit yan ang realidad sa LuzViMinda nating mahal.

Pilosopiya mga kababayan ko ang ang malaking kakulangan sa ating Bayan.
At ano nga ba ang pilosopiya?
Bakit hindi itinuturo ito noong nasa elementaryat high school tayo?

Ang pilosopiya ay binubuo ng dalawang sangay -- Lohika at Etika.
Logic -- tama o wastong pag-iisip
Ethics-- wastong gawain.

Isipin na lamang kung dito nahubog ang karamihan sa ating mga Pilipino, uubra ba ang mga politikong pulpol??

At bakit kailangan naman natin ang maayos na politika na maggigiya sa ekonomiyang pambansa.
Maaari naman talaga at marami din umuunlad na tao maski walang pakialam sa politika lalot mahusay ito sa pangangalaga sa pansariling interes kagaya sa mga maabilidad na mga negosyante natin. Subalit karamihan sa atin ay nahahanay sa uring manggagawa. Ngayon, ano nga ba ang saysay ng isang gobyerno o 'kapangyarihang politikal' kung hindi nito napapangalagaan ng husto ang kapakanan at nabibigyan ng mga opurtunidad ang nakararaming mamayan nito.

Hindi natin sinasabi na iaasa o umasa na lamang at sisihin ang gobyerno. Ang tanong ay kung ano ang silbi kung inutil din lang ang gobyerno na siyang 'may kapangyarihan' linangin ang likas yaman, yaman-tao at isaayos, magsagawa mga programang pangkabuhayan upang maiahon at tuluyang maging ganap na maunlad may kakayahang industriyal matatag na independenteng ekonomiya ang bansa.

Mayroon nga ba mga ganitong hakbang pinapairal? na kung saan patungo ang bansa sa pagkakaroon ng sariling industriya o patuloy parin kagaya sa mga nakaraang dekada ng politikal ekonomiyang pamamaraan kung saan patuloy na umaasa sa mga makinaryat kapital ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa.
Na kung saan ang lubos na nakikinabang lamang ng hustot nagpapayaman ay mga kapamilyat kaalyado ng mga mapanlinlang, maDrama, mapangGuyo na mga beteranong politiko at mga kaalyado nito...at sa mga negosyanteng balimbing na natural lamang umayon parati sa indayog ng tugtog at makisama sunod sa takbo ng panahon ayon sa kulay ng politika.

At panghuli, anong saysay ng pagiging tao natin kung lilimitahan natin ang kaisipan natin.
At bilang Pilipino, bakit nga ba nagagawa, mas maunlad, mas mahusay, mapayapa at mas napapangalagaan(kapakanan/interes)ng ibang lahi ang kaniKanilang mga likas yaman  maski dito na lamang sa kalakhang Asya.

"Huwag kang pilosopo !" Sabi pa.
'Ang hindi naituro sa atin, dapat pala maging pilosopo tayo.'
Pilosopiya o wastong edukasyon ang tanging daan tungo sa matuwid, masagana, maunlad mapayapang bansa ng lupang hinirang -- Ang Pilipinas.

.

Friday, October 27, 2017

Halo halong Kuwento


Maiba naman tayo ng konti medyo kuwento tayo ng samut sari.
Umpisahan natin dito sa hinahangaan ng buong Asya maging ng buong mundo. Si Jack Ma na kailan lang naging panauhin pandangal ni Pdutz sa Palasyo. Makulay ang kwento ng buhay nito matatawag na 'from rags to riches, dati english school teacher siya at noong kbataan nya nakahiligan mag-tour guide sa mga dayuhan sa lugar nila sa China. Siya lang naman ang Founder ng alibaba.com isa na sa higanteng B2B online business platform sa buong mundo. Hindi nman daw siya mahusay sa computer o IT ngunit nagkahilig nagkainteres sa kapangyarihan ng internet na kung saan nagkaroon siya ng 'vision ng pangangailangan at kapangyarihan ng internat na makakatulong sa napakaraming pabrika mga pagawaan sa China. Nagmulat ng ideya sa kanya ay ang matagumpay na 'ebay na nakapasok na rin noon sa merkado onlineBiz sa China. Kaya ngayon kung ibig mo mag-angkat ng conte-container (wholesale) na mga 'goods from China hindi mo na klangan magpunta ng Tsina. Sa online lamang sa pamamagitan ng alibaba.com maaari kana makipagTransaksiyon humingi ng sample at mag-order for shipment anywhere wherever part of the world you are' sa mga malalaking suppliers o mga pabrika mismo sa China na kasapi sa alibaba.com.. At kung retailer ka naman o pansariling gamit lang kailangan mo mabili direkta sa China,  sa sister company nman nila yun aliexpress buong mundo rin yan nakakapag deliver ng mga goods from China. Meron pa isang kilala din yun Taobao kaya lang chinese site ito 'under alibaba.com din ni Jack Ma. Kung hindi ka marunong written chinese dahil parang exclusive for China customers nila ito kaya lang mayroon din nasa ibang bansa nagka-interes mg-online shopping sa Taobao kasi nga mga bagsak presyo ang mga produkto na offers. Kaya makakabili ka din dito maski nasa ibang bansa sa pamagitan mga ahente sa online din na may mga websites nag-offer services kung saan sila na mag-asikaso sa pag-order payment at shipping kahit saan lupalop kapa sa mundo. Isa pa din subsidiary ng alibaba.com ay ang alipay na may malaking porsiyento na ata ng Singapore based Lazada online platform ay nabili na nito(kasama na lazadaph). Kayat sa dami ng internet base businesses nito na tumatakbo na sa ngayon hindi kataka-taka isa na nga siya sa mga bilyonaryo sa bansang Tsina.

Ngayon hindi rin kataka-taka mgkainteres ito sa bayang Magiliw, maski maliit na bansa tayo malaking merkado rin ang Pinas. Malaking populasyon maraming kustomer maraming opurtunidad.
Mapapansin natin karamihan maski mga pangkaraniwang dayuhan lamang ang napunta sa bayan natin karamihan negosyo ang pinapasok hindi ang magTrabaho o mamasukan maski mga Indian national business ang tutumbukin na hanapbuhay.

Ngayon talon tayo sa usaping politikal at pangEkonomiya kalakaran ng bansa. Marami-rami narin naikuwetot naisulat ang makaBayang Barbero minsan paulit-ulit na nga lang dahil kahit saan silipin ulit ulit din at wala nman nababago sa mga kalakaran ng mga namamahala sa ating gobyerno minsan lalo pang lumalala ang kapabayaan pagpapaubaya kung kalakalan at interes ng sambayanan ang pag-uusapan.
Marahil dahil kung bibigyan marubrob na pagsusuri ang kabuhayang sitwasyon kalagayan ng ating mga lider ay malamang mauunawaan natin kung bakit hindi at wala sila totoong malasakit o pagsisikap na baguhin ang kalakaran ng Bayang Hinirang lalo na ang mga beteranong politikat angkan ay paano nga eh mga bilyonaryo din sila na patuloy nakikinabang sa tinatawag na 'status quo'  o kasalukuyan kaganapan kalakaran.

Ulit ulitin natin . Hanggat walang pangmatagalan o longTerm na plano ang pamunuan ng PinoyLandia na mangangalaga sa interes ng sambayanan kagaya sa pagkakaroon ng sariling teknolohiyat pagkakaroon ng sariling mga gawa na sopistikadong kagamitan at mga makinarya o programang pangIndustriyalisasyon na maski magpaliPalit ng lider buwan-buwan o taonTaon man ay patuloy na isasakatuparan....asahan mga kababayan ko walang makabuluhang pagbabago ang malalasap ni Juan dela Cruz.
...hanggang sa susunod na mga kuwentong makaBayan ng Barberong gala. ^

Thursday, October 5, 2017

Juan Panatiko

"Hindi ba dapat sa Bayan at Bandila nakatuon ang katapatan at suporta ng bawat Pilipino??"

Paano nga ba ang isang tao nagkkaron ng sobrang paghanga o paniwala sa isang lider na nauuwi at tuluyan nagiging Panatiko?

Marahil masasagot lamang ito ng malinaw ng mga dalubasa sa larangang kaalaman pag-aaral sa 'psychology.

Subalit datapwat  sa kapakanan ng barberong kuwentuhan bigyan buhay natin ang atin sariling opinyon at abot tanaw kaisipan... Hindi ko masasabi na ang paglalahad natin ay siyang tama , kayo ang mas mkapagbibigay ng wastong pgpapasiya sa anuman na mbabasa o maririnig.

Maaaring likas na sa kramihang tao ang mghanap o kumilala sa kapwa niya may mas mataas na dunong o abilidad(paniniwala) na sa tingin nito ay bayani idolo may pmbihirang kkayahan sa pamumuno.
'in short---likas na taga sunod lang(follower).

Ako'y labis ngtataka dahil mulat sapul hindi ako marunong tumingalat sobrang mgtiwala o maging panatiko sa kapwa. Sapat na ang humanga sa husay galing ng kapwa tao. Mapa artista yan o kilalang politiko paman.

Kapag sinabing panatiko, 'extreme po ito. Sobra kalabisan Yun bang tingin dun sa iniidolo wala na nakikitang mali lahat halos sasabihin nito tama para sa panatiko.

Ngunit PAANO halimbawa  sa usaping pagkapanatiko Kay Duterte nangyayari ito?
Kusa nalang ba na nabuo ang paghangat pagkpanatiko ng mga dds sa kanilang Poon? O may panlabas na epektibong nkaimpluwensiya sa mga ito.

Noong nakaraang halalan panahon ng kampanya kpansin-pansin ang naglipanang mga 'paid bloggers, social media influencers, youtubers, Fake news providers. At pinondohan ang mga ito ng milyones. Halos walang puknat na bumabaha yan sa internet mgpahanggang ngayon. Ang tawag dito ay 'mind  conditioning. Kapag paulit ulit naririnig nababasa kalaunan tumatatak sa isipan nagging 'absolute truth, belief  parang sa relihiyon. Kaya nga ang dds 'phenomenon parang kulto na.

Mauunawaan ko pa kung  direkta ka nakikinabang Kay Duterte, halimbawa nabigyan ka ng 'juicy gov'nt position, business contracts o personal mo na kakilala ito naririnig mo mga bulong-bulungan nila nababasa ang isip alam mo lahat gawa ng Pinopoon mo. Dahil kung hindi panatiko kana nga 💯% .

Sa isang panatiko--- bakit ko ipagttanggol ang isang lider na sinungaling, imbentor(fake acnts),killer addict, drug smuggler suspect(polong), puno ng kabastusan bunganga(palamura), waiver lang Hindi agad pirmahan ng magkaalaman na agad ( for accountability ). At higit sa lahat mkapangyarihan na tao ito maski noong Mayor pa lamang ito 'master ito sa pagmamaniobra sa tao kaya nhawakan ng walang patid ang Davao. Ipagttanggol mo, bakit? Ang Alam ko sa ipinagtatanggol ay ang mahihina at mga inutil.

Nakakatawa nakakalungkot isasakripisyo pa nga ng panatiko minsan ang kanyang kakilala kaibigan kaanak maipagtanggol lang ang Poon. Mabuti Kung kilala siya ng tao na ito. PAANO NGA Kung totoo na matagal ng niloloko ang madla pipol? Na totoo drug smuggler si Polong? Na may tinatagong yaman bigay ng mga 'contrators, big-time drug syndicates? Kayat Kung ano ano alibi ayaw pirma sa waiver!!

Paano naman Kung Hindi totoo mga alegasyon? Bakit inutil at wala ba kapangyarihan ito na hindi kaya idepensa sarili kung totoong wala itinatago??

Si dudirty lang ba may kkayahan mamuno sa bansa? Ah baka pumalit ang delawan.  Isa rin ito sa sinasabing 'mind conditioning ops ang pagbuga pgpapakalat mapanira na mga balitat phayag sa mga inaakalang kalaban o oposisyon---ganun din paulit ulit na prang advert' hanggat sa mapaniwalaan na nga!

Kayat ang panatiko maihhambing sa mga Tupa o kambing.  takot mapag-isa kuyog kuyog palagi sunod sunuran lang sa lider o taga pastol. Para  sa kanya hindi maaaring mgkamali si dudirty.

Pwedi rin ego o pride umiiral kayat ayaw ng bumitaw sa paniniwala. Paninindigan na talaga bumagyo bumaha lumindol baluktok man ipaglalaban parin. Kahiyaan na kumbaga!

Ngunit Sabi ko pa nga sa una pa man kung Yun paniniwalat matuwid sa kanila ... so be it! Enjoy the ride & let's rock n roll😅

Saturday, September 30, 2017

PAGKAKAISA

http://definitelyfilipino.com/blog/pagkakaisa/

Ibig kong magbigay ng kaunting kuro-kuro at paglilinaw ukol sa hidwaan at kawalan ng pagkakaisa ng buhay Pinoy pagdating sa politikal na pambansang usapin.

Marahil lahat tayo ay nagkakaisa sa hangarin ng pagkakaroon ng isang mapayapa at maunlad na bayang magiliw.

Subalit, alas, tayong mga Pinoy sa kasalukuyan ay labis at lalong nahahati, nabibiyak, watak watak, imbes na isang bigkis tayo at hawak-kamay na nagkakaisa upang isulong at magtulong-tulong tungo sa ating minimithi na maabot marating ang kasaganaan, kaginhawaan at kaunlaran ng bayang hinirang (‘naks sobrang seryoso yata).

Minsan mahirap talaga apuhapin kung sino, saan at ano ang tama at mali…lubhang masalimuot lalo na sa panahon ngayon ng henerasyon ng ‘information technology’, ‘information overload’ at bumabaha na ng mga impormasyon sa ‘social media’ . Dagdag pa ang mga ‘agents’ na ‘paid trolls’ at mga ‘special operator paid bloggers’ na mahuhusay at sobrang ‘creative’ sa kani-kanilang larangan sa pagpapakalat ng mga ‘make believe news & assorted information’ para sa kanilang mga kliyente.

Tayo namang mga pangkaraniwan mamamayan ay halos lahat naniniwala. Ako ay naghahangad ng mabuti para sa ating bayan — ‘yun lamang hindi tayo nagpapanagpo dahil sa nagkakaroon tayo ng mga kinikilingan na mga politiko o lider na nagiging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa.

Kumbaga, magkakaiba ang ating punto de vista ( point of view).

Kung ilalarawan(explain) natin ang isang bahay halimbawa at ikaw, Juan, ay nasa likuran, natural mente ang makikita mo at ipapaliwanag ay ang ‘back view’. Kung ikaw naman, Pedro, ay nasa harapan ay ‘front view ang pananaw na ipaliliwanag mo! Magkakaroon ngayon tayo ng iba ibang paglalahad maski iisang bahay lang ang ating inilalarawan.

Ayon sa diskurso ko sa itaas, ang punto ko dito ay kung bakit sa kabila na iisa ang ating hangad — ang ikabubuti ng bansa natin — ay agad tayong nawawala sa ‘focus’ kumbaga at tuluyan tayo sa ating mga personal na gusto o panlasa ng ating pananaw at kaisipan (sarado agad). Para bang habang nagpapaliwanag ‘yung kabila agad mong babarahin at sasabihin “ah hindi ‘yan ‘yung bahay na sinasabi ko, mali mali ka!”

Kumbaga sa bote nangalahati pa lang ang laman tinakpan mo na agad eh kahit anong buhos mo doon hindi na papasok. Resulta dahil hindi tayo marunong makinig — walang pagkakaisa.

Sa bandang huli kadalasan ang (mga) lider o taga pastol ang pasimuno at nagsisindi ng apoy upang ang kanyang mga tagasunod at alagad ay magkaroon ng iba ibang kaisipan at  mauudyok humiwalay ng landas na pagmumulan ng hidwaan tungo sa hindi pagkakaunawaan.

Mabuti na lamang hindi ako ipininanganak na isang tupa(panatiko) o kambing na sunod-sunuran sa kumpas ng taga-pastol.

May independent na kaisipan at paninindigan.

Friday, September 29, 2017

Mga Bobotante: Marunong ba tayo Magbasa?

Masakit pakinggan ang salitang bobo, tanga! at napakarami pang nakakapikon na salita ang ating mababasat masasalo sa pakikipag-ugnayan komunikasyon natin sa ibat-ibang 'social media' lalo na sa FACEBOOK tuwing nasasali tayo sa pagkokomentaryo sa mga maseselang usaping pambansa na nagdudulot sa lalong pagkakahati at kawalan ng pagkakaisa hindi lamang sa pangkaraniwang magka-kababayan kundi halos pati magkakaibigan kapamilya ay naapektuhan din.

Pasyalan muli natin ang bansang " Japan " ....

Isang pinakamagandang nakaugalian ng mga hapones ( Japan) ay ang pagiging mga palabasa (wide readers, bookworms) ng halos lahat ng mga mamamayan nito. Maliban sa npakarami nilang kapakipakinabang na tradisyunal na kaugalian kagaya ng DISIPLINA ang pagbabasa ay isa rin sa malaking tulong at 'asset nila. Sinasabi na halos lahat ng mamamayan nila ay ngbabasa sa 'national newspaper nila ang Yomiuri Shimbun, sa araw araw na labas nito kung kayat sila ay lubos na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at mga pangangailangan ng bayan nila. Mapapansin kapansin-pansin ang pambihirang pagkakaisa ng bansang JAPAN ! Na kung saan kung ang isang lider nila ay masangkot sa maski mababaw lamang na kontrobersya o kurapsyon ay napakalaking kahihiyan at agad-agad nagbibitiw sa tungkulin ang iba ay sukdulang magpakamatay pa nga sa sobrang kahihiyan. At dahil sa karunungan kaalaman (awareness) ng mga mamamayan nito sa pagiging mga palabasa't de-kalidad na pang-unawa (lalot napakahusay din ng edukasyon pilosopiya ng bansang Hapon) ay hindi uubra sa kanila ang lokohin lituhin utuin linlangin ng kahit na sinumang may hangad maging pinuno o lider. Lubos na nalalaman nila ang karapatdapat sa matataas na tungkulin sa pamahalaan.

Kabaliktaran at napakalaki pagkakaiba sa ating mga mamayang Pinoy. Bihira sa ating mga kababayan ang matiyaga magbasa lalo sa mga seryosong usapin lalo may kinalaman sa mga pambansang isyu. Karamihan sa atin kahilig sa mga chat chat,  kadalasan nabasa lang title ng isang article ng DefinitelyFilipino blog nagkokomento na agad hindi muna binasa at inunawa ng husto ang paglalahad ng nagsulat. Hindi din naman nakapagtataka dahil narin sa mahinang sistema ng ating edukasyon o pilosopiya ng mga paaralan natin magmula elementarya hanggang sa mkapagtapos man ng 'high school'.

Subalit ngunit maski hindi man tayo mkapagtapos ng mataas na pag--aaral kung tayo ay palabasa, parati uhaw gutom sa karunungan at may pagka-kritikot mapag-obserbat mapag-usisa at hindi agad agad naniniwala sa mga nababasa maski pa ito ay nakagisnan at itinuro man ng mga ninunot nakakatanda sa atin ay nagkakaroon tayo ng mas matimbang na pananaw pang-unawa sa mga kaganapan pangyayari't kaguluhan bumabalot sa ating mahal na bayan.

Sapagkat ang wastong karunungan kaalaman ang magiging tulay natin tungo sa makabuluhang pagkakaisa na magiging daan sa totohanang pag-unlad, kapayapaan at masaganang pamumuhay sa bawat mamamayang Pilipino.

^A man only learns in two ways, one by reading, and the other by association with smarter people.^

Unknown
Photo image -- credit to owner

Tuesday, September 26, 2017

Pilipinas: Bakit Mayaman na Bansa?

Kung napag-uusapan natin ang kahirapan ng lupang hinirang nararapat din naman pag-usapan ang taglay na yaman nito.

Bakit nga ba matatawag na mayaman ang inang bayan natn?
Una, kung bibigyan pansin natin sa mapa pa lamang, hindi lang basta maganda kundi kamangha-mangha ang pambihirang taglay na ganda ng kapuluan “The Philippines”. Ibig sabihin labis labis ang angking likas na yaman (natural resources).

At sa kapuluang (7,107 islands) ito, na nababalot ng halos “unlimited” na likas yaman at kaaya-aya na klima sa katamtamang init tuwing ‘summer’ (na kina-iinggitan, kinagigiliwan ng mga banyaga) at nakakaaliw na masaganang dilig kalikasan naman tuwing pagsapit ng tag-ulan. Maliban pa, mayaman din at hindi pahuhuli ang bansa natin sa pagdalaw ng mga unos na malalakas na bagyo at mga pagbaha ( dapat mapag-aralan din ito paano mapakinabangan at maging pabor sa bansa hehehe lols?).

Pangalawa , yaman-tao. Maabilidad, sobrang matatalino, masisipag, sobrang matiyaga, may katamaran at napakarami pang mga pambihirang katangiang taglay ang lahing Pinoy.
Sinasabi na ang malaking populasyon daw ay hadlang sa pag-unlad . Ngunit subalit depende marahil sa kalakaran pamamalakad panghihikayat, mga pangarap ng mga mamamayan nito.
Kapag maraming tao; maraming manggagawa, maraming kustomer; maraming benta, marami kita/tubo; mayaman maganda takbo ekonomiya.
Ang marami o malaking populasyon kung tutuusin  ay malaking ‘asset” para sa bayan. Nagiging “liability” lamang ito kung nagiging inutil walang silbi kung ang kalakaran ay hindi angkop sa interes ng bansa.

Pangatlo, Pinoy ang nag-iisa at walang katulad, na sino? Walang iba kundi ang Awtomatik. Parang nkakatawa o pgpptawa lang ngunit kung kkasangkapin natin ang inyong lingk malamang sa di kalaunan masusumpungan ng Bayang Magiliw ang liwanag na matagal ng hinahangad. (Ngunit itong pangatlo ‘optional lang ito, pwedi na rin maski wala si awtomatik hehehe lols?

Ngunit paano at bakit nagiging hikahos nghihirap ang ating mga kababayan. Sa isang banda kung mamumuhay lamang tayo ng simple lalo na sa mga bukirin sa probinsiya ay hindi naman talaga basta magugutom ang Pilipino.
Dangan nga lamang kagaya sa karamihan ng tao apektado ang bawat isa sa atin sa kalakarang pang-ekonomiya ng bansa. Pinakamalaking suliranin o hamon sa ekonomiya (economics) ay ang walang katapusang pangangailangan ng tao–mapa  NEEDS man yan o WANTS lang. Kumbaga pinangarap mo magkaroon ng sariling bahay! Ngayon natupad ang pangarap mo na yan, pero hindi mgtatapos yun dun. Kailangan punuin mo ng mga naggagandahang kagamitan ang bagong bahay. Napuno na ng mga appliances.; kailangan may sasakyan ka, dapat yun maganda at mamahalin, kailangan bagayan din ng magandang pananamit at npakarami pang ibang walang katapusan na pangangailangan at mga gusto natin sa buhay.
Ngayon kapag wala ka nito, minsan pakiramdam mo o tingin sayo isa kang mahirap o hikahos sa buhay.

Sa kblng bnda kapag napg-usapan naman pandaigdigang kalakalan (world trade) silipin natin ng malinaw kung gaano tayo kayaman na bansa. Halimbawa sa bansang Japan lumahok tayo palit kalakal sa kanila.
Marahil alam na natin  na halos ang pangtinda natin sa kanila ay halos kagaya ng saging (bananas) lamang atpb. na hilaw na materyales samantala aangkat o bibili tayo sa kanila ng mga high tech gadgets, technology equipments, heavy equipments at npakarami pang iba. At natural hindi naman nila tatatangapin yun salapi natin. Kakailanganin natin ng banyagang salapi o kapital kung kayat kailangan at maobliga mangutang kapalit ng ibat ibang kasunduan na malimit madalas lugi si Juan De la Cruz.

Mayroon isang yaman o kayamanan na mahilig din ipakalat ng mga propagandista lalo ng mga FAKE NEWS providers.

Ang kayamanang ginto ‘GOLD. Paano nga ba naging isang kayamanan ang ginto. Dahil marahil sa ito kagaya ng diamante ay mahirap hanapin at lubhang kakaunti limitado ang supply. Hindi kagaya ng saging na itinatanim lang pwedi ng dumami at paramihin maski hanggang trillones.
Subalit sabi pa nga ng kilalang matagumpay na mamumuhunan na si Warren Buffet(investor mugol) kung iipunin daw lahat ng naminang ginto at ilalagay o itatago daw sa isang bodega ay napakaliit lamang nito ang maiipon. Ngunit sabi pa ni Mr. Buffet mas nanaisin pa nya ang magkaroon ng ari-arian na mga bukirin na may sari-saring pananim at iba-ibang mga alagang hayup na manganganak at dadami kumpara sa magtago o mag-ipon ng ginto.
Ang ginto naman kasi  wala naman talaga mahalagang kapakinabangan hindi kagaya sa mga pananim na pagkain, mga hayup o langis na mahalaga sa pagtakbo ng mga makinarya. Nabigyan lang ng halaga (value) dahil sa kakulangan (scarcity) at mahirap hanapin o magawa (produce/production).
Kung kayat ang ginto ay hindi totoong kayamanan. Lalong hindi yan basehan sa pag-imprenta ng salapi.

Kung ang hangad ng mga Pinoy ay ang kayamanan kagaya sa mauunlad na bansa US, UK, Germany, Japan, China atpb. ay gagayahin lamang ang ginawa nila upang ganap na maging industriyalisadong bansa— ang magkaroon ng mga sariling makinaryat kagamitan sa pamamagitan ng pagiging independente at pangangalaga sa pansarili pambansang interes.

Blog Archive

About Me

My photo
Fallujah, Al Anbar, Iraq